CHAPTER 7
HINDI KO alam kung nasaan na ako. Basta nag lakad lang ako ng nag lakad hanggang sa hindi ako napapagod. Kasabay ng pag bagsak ng malakas na ulan ay ang pag bagsak din ng luha mula sa aking mga mata.
Masakit. Sobrang sakit pala na makita mismo sa mga mata ng taong mahal mo na may iba na siyang mahal. Hindi ako tanga para hindi makita ang ningning sa mga mata niya habang sinasabi niyang mahal niya ang babaeng 'yon.
Bakit pa nga ba ako nag taka? Isang taon silang nag kasama. At imposibleng hindi sila mahulog sa isa't isa sa loob ng isang taon na 'yon. Alam ko sa sarili ko na hindi mukha ko ang minahal ni Zach sakanya kundi ang ugali at pag katao niya.
Ako man ang nakikita niya sa bawat oras na tumitingin siya sa babaeng 'yon pero ang minahal niya ay ang pag katao nito. In short nainlove siya sa babaeng 'yon hindi dahil sa mukha ko, kundi dahil sa ugali nito.
At 'yon ang masakit. Alam ko namang hindi na ako pero patuloy ko parin siyang minamahal. Oras na siguro para kalimutan ko ang nararamdaman kong 'to dahil wala itong maiidulot na maganda saakin.
Pero nasan na nga ba ako? Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ko pero wala na akong ibang nakikita kundi ang madilim na bahagi ng skinita.
Walang mga tao at sarado ang mga bahay. Wala ring mga ilaw sa paligid siguro dahil malapit ng mag hating gabi.
Sobrang lutang na ba talaga ng isip ko at hindi ko namalayan na nandito na ako? Shit naman oh.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at sinubukan 'yong buhayin pero ayaw niyang mabuhay kaya naibato ko nalang 'yon sa sobrang inis. Basang basa na rin ako at hindi ko pa alam kung saan ako pupunta.
Ang malas ko naman pala. Tangina!
Ano nang gagawin ko? Mahina naman akong napa mura nang maramdaman kong nanginginig na ang paa ko at ano mang oras ay matutumba na ako.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo sa gilid ng kalsada at umasang may dadarating para sunduin ako. Pero talaga palang nakaka baliw umasa dahil halos isang oras na akong nakaupo dito pero wala paring dumarating para sunduin ako.
Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko at pakiramdam ko ay makaka tulog na ako pero pinigilan ko ang antok dahil baka kung anong mangyari sakin. Ito ang mga panahon na walang nagagawa ang lakas at tapang ko.
Sana mahanap niya ako. Sa lahat ng taong kilala ko ay siya lang ang alam kong makakahanap saakin.
"Dementer" isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa di kalayuan at ang boses niya ay napaka pamilyar saakin. Ang boses na kanina ko pa hinihintay na marinig.
Mabilis siyang tumakbo palapit sakin at sinalubong ako ng napaka higpit na yakap.
"Are you okay?" nag aalalang tanong niya at tulad ko ay basang basa narin siya ng ulan. Napansin ko rin na namumutla na ang labi niya at nanlalamig na din ang mga kamay niya. Siguro ay kanina parin siya nag papaulan tulad ko.
"Look at me and tell me that you're okay." seryoso niyang wika at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko at ini harap sakanya.
Nakatitig siya sa mga mata ko kaya tumitig din ako sa kanya. "A-Ayos lang ak-" hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko nang mabilis niyang inilapat ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero hindi ko siya magawang itulak.
"Zach.." wala sa wisyong sabi ko pero agad din akong natauhan nang humiwalay sa labi ko ang labi ng lalaking humalik saakin.
Tiningnan ko siya sa mga mata at nakita ko ang pag dilim ng mga 'yon. "It's Luhan not Zach" malamig niyang sabi na talagang ikina balik ko sa tamang katinuan.
BINABASA MO ANG
BEHIND THAT MASK (STQ BOOK 2)
ActionSYNOPSIS Everything is fine, not until this girl enter their school. Who is she? Emotionless eyes, dangerous aura, and cold voice. When they saw her a familiar feeling makes them wonder Who really is that person Behind that Mask?