CHAPTER 12

44 0 0
                                    

CHAPTER 12

"I hope that you are now okay dahil may kailangan pa tayong puntahan na lugar." nawala ang atensyon ko sa madilim na kalangitan nang marinig ko ang sinabi ni khael.

Lumingon ako sakaniya. "Where?" tanong ko. Narinig ko ang pag buntong hininga niya at pag katapos ay tumayo na mula sa pag kakaupo sa damuhan.

Nandito kami ngayon sa park. Matapos naming kumain sa palengke sa dinala niya ako dito pero hindi naman siya nag salita simula nang pumunta kami sa palengke.

Ngayon lang talaga siya nag salita. "Did you forgot the door? Baka 'yon na ang daan papunta sa laboratoryo na hinahanap natin." Wika ni khael.

Nanlaki naman ang mga mata ko at bumalik sa isip ko ang pinto na nakita namin kaninang umaga. Nakalimutan ko na ang tungkol don dahil sa nangyari kay kenzo.

Shit! Bakit ko naman kase nagawang kalimutan ang ganong klase ng bagay? Dahil ba masyado kong inisip si zach at macaria?

Mukhang tama talaga si khael na makaka distract lang talaga sakin ang pakikipag kaibigan ko kay macaria at ang pag pasok ko sa school na pinapasukan rin nila.

But I need to prove him wrong. I want to move on. Gagawin ko ang lahat para maka limutan ang nararamdaman ko para kay zach kahit na alam kong mahihirapan ako.

Mabilis akong tumayo at nauna kay khael sa pag lalakad papunta sa tabing kalsada. Siya naman ay tumabi lang sakin habang pumapara ako ng taxi.

Mabuti nalang at kahit medyo madilim na ay may mga dumadaan paring sasakyan sa kalsada. Nang may tumigil na taxi sa harapan namin ay sumakay agad ako ron pati na rin si khael.

"Did you tell hendrix?" tanong ko nang maka sakay kami at umandar na ang taxi.

"Yes, I already called hendrix. Ngayon sana bubuksan ang pintong nakita natin pero medyo delikado kung wala tayong plano kaya ipinag pabukas nalang. We need to make a new plan first." mahabang sagot niya.

Tumango tango naman ako. Mabuti naman at bukas pa dahil siguradong magiging delikado kung hindi kami mag paplano ng maayos. Who knows kung anong nandon sa loob ng pintong 'yon?

Baka mamaya ay patibong lamang iyon ng taong 'yon. Actually we don't know his name dahil ang pangalan na sinabi pala ng taong 'yon kay macaria ay peke kaya hindi namin siya mahanap.

Tumigil na ang taxi. Sabay kaming bumaba don ni khael at siya na ang nag bayad. Ang malaking mansion na nasa harapan namin ay hindi pamilyar saakin.

Ngayon ko lang napansin na iba ang lugar na pinag babaan saamin ng taxi. Tumingin ako sa paligid. Walang ibang bahay maliban sa mansion na nasa harapan namin. "Mali ka ba ng sinabing address sa driver?" kunot noong tanong ko kay khael.

Umiling siya. "This is the right place. Hendrix send me this address and he told me to bring you here so i did." sagot niya at nag kibit balikat.

Napunta naman ang atensyon ko sa ginto at malaking gate ng bumukas 'yon. Nang bumukas naman 'yon ng tuluyan ay isang kotse ang umandar palapit samin.

Tumigil iyon sa harapan namin. Hindi ko kilala ang driver non pero sumilip siya sa bintana at ngumiti samin ni khael.

"Pinapasundo na kayo ni boss" ani ng nag mamaneho ng sasakyan. Awtomatikong bumukas nag pinto ng kotse kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay pati narin si khael.

Umaandar na ang sasakyan. Walang imik akong sumilip sa labas. Napaka laki at lawak ng hacienda. Sa pinakang gitna kung saan kami papunta ay may roong napaka laking mansion. Hindi na nga siya matatawag na mansion kundi palasyo.

BEHIND THAT MASK (STQ BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon