CHAPTER 10

37 0 0
                                    

CHAPTER 10

She told me everything I want to know except the most important thing. The location of the laboratory.

Hindi rin niya alam kung saan 'yon matatagpuan dahil hindi pa naman siya nakakarating don. But she told me all the names of the scientist that are involve.

Sinabi rin niya sakin ang ginawa sakanya ng mga hayop na scientist na 'yon. They are all animals. Mas lalo lang tumindi ang galit ko sa kanila at mas lalo ko silang gustong patayin isa isa.

Tuloy lang ang plano namin. Hindi nabago pero nadagdagan. Kung dati ay gusto ko lang sunugin ang laboratory na 'yon, ngayon ay gusto ko nang patayin muna isa isa ang mga hayop na 'yon.

Marami na akong rason para gawin ang mga 'yon. Ang pag tatangka niya sa buhay ng kakambal ko, kay mom and dad at sa mga kuya ko ay sapat nang dahilan para patayin ko sila.

Ang dugo ko ang habol nila. Hindi nila pwedeng kunin ang dugo ni kenzo dahil sa kondisyon niya na kanina ko lang nalaman. At mas lalong hindi nila kayang kunin si hendrix dahil masyado siyang makapang yarihan para makuha lang ng basta basta.

Kaya naman ako nalang ang natitirang susi para sa ginagawa nilang gamot. Ayos na rin sigurong ako lang ang kailangan nila para hindi na nila pakialaman pa si kenzo.

Tiningnan ko naman si kenzo na nakahiga parin sa hospital bed at walang malay. It's been 3 days pero wala paring pag babago sa lagay niya. Ang sabi ng mga doctor ay imposibleng magising pa siya but i know kenzo. He's a fighter and he will wake up.

Isang mahihinang hikbi ang narinig ko galing kay phoebe. Siya ang body guard ni kenzo at alam kung hanggang ngayon ay sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa kakambal ko.

Simula kahapon ay hindi na niya iniwan si kenzo. Muntik ko nang isipin na may relasyon sila pero mukhang wala dahil kanina ko parin naririnig na minumura ni phoebe si kenzo. I heard her saying "Tangina mong gago ka gumising kana"

Napailing iling nalang ako at tumayo saka nilapitan siya. Tinapik ko lang ang balikat ni phoebe at nag paalam na sakaniya.

Nang maka labas ako ay inayos ko na ang suot kong uniform at inisuot ang mask ko.

Ngayon ang simula ng misyon at mangyayari ang misyon ko sa loob ng school na pinapasukan nila Zach. Ang ibig sabihin ay makikita ko si zach na masaya kasama si macaria.

Hindi pa alam ni zach at ng iba naming kaibigan ang totoo and I want keep it that way. Mas magandang wala silang alam para hindi na sila mapahamak.

Napatigil naman ako sa pag lalakad nang makita ko sa kabilang kwarto sila mom and dad na mag katabing naka upo sa isang hospital bed.

Seryoso silang nag uusap habang si kuya clyden, kuya francis, kuya xyron at kuya angelo ay nakikinig sakanila. I wonder ano kayang pinag uusapan nila at sobrang seryoso nila?

Gustohin ko man silang lapitan at yakapin isa isa ay hindi ko magawa dahil hindi na sila pwedeng madamay pa sa mga gagawin ko simula ngayon. Their safety the most important things for me.

"Hop in, Dementer" napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang malamig na boses ni khael. Inilibot ko paningin sa paligid ko. Hindi ko manlang namalayan na nasa labas na pala ako ng hospital at nasa harapan ko na si khael na naka sakay sa kotse niya habang naka silip sa bintana.

Napa buntong hininga nalang ako at binuksan ang pinto ng kotse saka sumakay don. Walang imik namang pinaandar 'yon ni khael.

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay khael pero napapansin kong masyadong malamig ang pag trato niya sakin ngayon.

BEHIND THAT MASK (STQ BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon