CHAPTER 14

90 2 0
                                    

CHAPTER 14

"Why can't you just move on, dementer?"

Mas lalo ko lang ibinaon ang mukha ko sa kanyang dibdib dahil sa tanong niya.

May bahid ng inis at galit ang boses niya ngunti hindi ko na iyon pinansin dahil abala ako sa pag iisip kung paano papatigilin ang sarili sa pag iyak.

Hindi ko na alam ang nangyayari sakin dahil ilang minuto na akong umiiyak at hindi ko parin mapigilan ang sarili kong lumuha.

Tila may sariling isip ang mga mata ko kaya kahit ayaw ko na dahil pagod na ako ay patuloy parin ito sa pag luha.

"Just fucking move on, dementer!" rinig kong wika pa ni khael sa napaka lamig na boses. Medyo nag taas din ang boses niya kaya alam kong galit na siya.

Bumitaw ako sa pag kakayakap sakanya at namumugto ang matang hinarap siya saka tinitigan sa mata. "How? How can i fucking move on if I still fucking love him?" malakas kong hiyaw sakanya na halatang ikina tigil niya.

Mabuti nalamang at wala ng mga studyante ngayon dahil kanina pa nag bell at may klase na sila.

"Paano ko magagawang kalimutan agad ang mga pinagsamahan namin huh? Paano ko magagawang alisin agad ang nararamdaman mo sakanya? Paano ko siya magagawang kalimutan? Paano? Paano, Khael?" sunod sunod na tanong ko sakanya at hindi sinasadyang mapa sigaw.

Nag uumapaw na ngayon ang mga nararamdaman ko at hindi ko na alam ang gagawin kaya siguro naiilabas ko sakanya ang lahat ng gusto kong sabihin.

"Just tell me how and I will do it, khael" dagdag ko pa sa mahinang boses.

Tinitigan naman niya ako sa mata at hinawakan ako sa mag kabilang balikat at akmang mag sasalita pa pero naunahan siya ng isang pamilyar na boses.

"Someone is calling at your phone, little sis." boses iyon ni hendrix mula sa likuran ko kaya agad ko siyang nilingon.

Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata niya at kung kanina ay wala iyong emosyon ngayon ay punong puno na iyon ng pag aalala habang mabilis siyang nag lalakad palapit sakin.

Nang maka lapit siya ay mahigpit niya akong niyakap. "Tell me who made you cry and I will skin him alive and kill him after." madiing ani niya.

Humiwalay naman ako sa pag kakayakap sakanya at pinunasan ang luhang pumapatak mula sa mga mata ko gamit ang panyong iniabot sakin ni khael.

Tipid ko silang nginitiang dalawa na ngayon ay mag katabi na. "I'm okay.." and that was a lie.

The most common lie that can fool everyone. Just with a fake sweet smile and they will believe that It's true.

"Don't lie to m-" hindi ko na pinatapos si hendrix sa sasabihin niya at kinuha ko na ang cellphone ko na hawak niya na ngayon ay panay ang ring.

Walang pag dadalawang isip kong sinagot ang tawag at hinintay na mag salita ang nasa kabilang linya.

"How's the breakup, little girl? Masakit ba ang ipag palit? Masakit bang makitang masaya ang lalaking mahal mo pero hindi na ikaw ang dahilan?" Tumawa pa siya ng malakas na nag pa dagdag talaga sa init ng ulo ko.

"Shut up!" Malakas kong turan sakanya pero tinawanan lang ako.

"Nakakatuwa lang isipin na ang taong handa mong ipaglaban kahit kanino ay may iba ng mahal at gustong ipaglaban but sadly it's not you." May pangaasar parin sa boses niya ngunit hindi na ako nag papadala don dahil baka sabihin niyang masyado akong pikon.

Kailangan ko lang kumalma dahil kung mag paopadalos dalos ako ay baka gumulo lang planong nabuo namin. Masyadong tuso ang kausap ko at siguradong marami siyang tauhan sa loob at labas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEHIND THAT MASK (STQ BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon