Chapter 3: Yakap

56 7 1
                                    

Enjoy reading💓 play the music to feel the moment.

Roni's pov

Kumpara sa mga naka lipas na araw, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Mabuti nalang at nagka lakas na ako ng loob na sabihin kay Jelai ang nararamdaman ko.

Maganda talaga ang epekto kapag linalabas mo ang nararamdaman mo.

Knocking*

"Roni ano sa tingin mo ang mas bagay sa akin, itong blue o itong yellow?" Tanong ni kuya pag ka bukas ng pintuan. May hawak itong dalawang polo. Madalas ako ang pinag de desisyong ni kuya Yuan sa mga color ng damit niya. Mabuti nalang at bumaba na rin ang pag ka feeling niya.

"Para saan ba?" Tanong ko rito.

"Wag mong sabihin na nakalimutan mo ang Birthday ko" naka simangot na sagot ni Kuya Yuan.

"Hindi ah, tinatanong ko kung saan mo susuutin" pagpapa lusot ko. Nakalimutan ko talaga ang birthday niya, dahil marami akong iniisip.

"Ah, sa clubhouse lang. May surprise daw sa akin si Missy eh. And sabi na rin ni mom at dad na doon nalang tayo, since darating rin yung mga kamag anak natin pati na rin yung mga family ng barkada" mahabang sagot ni Yuan

"Ah ganon ba. Yang yellow nalang ang suutin mo, since ikaw naman ang bida ngayong araw." Sagot ko.

"Okay" maikling sagot niya at lumabas na.

Agad naman akong nag isip kung ano ba ang magandang i regalo kay kuya.

"Alam ko na, bibigyan ko nalang siya ng relo" Roni

Agad naman akong gumayak at pumunta sa mall.

Halos isang oras na ako sa mall, mabuti nalamang at nahanap na niya ang gusto kong ibigay kay kuya.

Uuwi na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.

"Roni nasaan ka na?" Tanong ni Jelai sa kabilang linya

"Nasa mall pa ako, pero pauwi na rin. Ikaw nasaan ka? Balik na tanong ko sa kaibigan

"Papunta na ako sa clubhouse." Sagot niya

"Ang aga mo naman" Roni

"Eh nagpapatulong kase si Missy para sa surprise niya" Jelai

"Ah ganon ba, sige susunod agad ako pag ka uwi ko" Roni

"Nako, sabi ni Missy na kaming dalawa lang daw eh. Surprise din daw ito para sa iyo" Jelai

"Para sakin? Ako ba ang may birthday?" Natatawang tanong ko

"Ewan ko ba jan kay Missy. Pano ba yan kita kits nalang mamaya" sabi ni Jelai at binaba na ang tawag

Agad naman akong nag lakad papuntang sakayan ng bus.

Pagka uwi ko ay naligo ulit at binalot ang regalo ko para kay kuya Yuan .

Dearest, kuya

Happy Birthday! Kahit araw-araw tayong mag kaaway mahal na mahal parin kita. Lagi akong nag papasalamat sa diyos na ikaw ang naging kapatid ko. If multi universe exist, ikaw at ikaw parin ang pipiliin kong kuya.

Maraming salamat sa pag pro protekta mo sa akin. Sa pag-aalaga. Hindi ko man madalas sinasabi ito, pero salamat.

I love you, kuya! Happy Birthday ulit.

Pagkatapos ko itong balutin ay agad akong tumungin nga susuutin. Napili ko ang sleeveless na red dress.

"Roni buti naman nandito ka na" salubong ni Jelai sa akin pagka rating ko sa club house.

"Umupo ka na sis, mag sstart na yung event" sabi ni Missy

Agad naman akong umupo at tinignan ang paligid. Naroon ang mga kamaganak namin. Nandon rin si Jun-jun at ang pamilya niya, mabuti nalamang at nakakabawi na sila sa pagkakalugmok. Marami na kaseng project si Jun-jun kaya naman heto sila kompleto na ulit. Nandito rin si tita Marla at tito Cesar, natanggap na rin ng tuluyan ni Jelai si tita Marla kaya natupad niya na ang complete family na hinahanap niya. Syempre hindi rin tumugil si yaya medel sa pag aalaga sa kanya.

Pagtingin ko sa gilid niya ay naroon ang lolo at lola ni Borj. Naalala ko tuloy kung ilang beses kong kinulit ang mga ito na sabihin kung nasaan si Borj. Ngunit ang tanging sagot lamang nila ay mag hintay ito.



"Ok, Yuan honey, I know kanina ka pa nag wo wonder kung ano ang surprise ko sayo. Well its not actually a 'what' its 'who'. Matagal na natin siyang hindi nakakasama. And alam kung miss na miss na natin siyang lahat" Missy.

Borj?

Sana si Borj

"Everyone lets all welcome, Antonio Rodriguez" masayang saad ni Missy

Hindi ko naman maitago ang pagka dismaya dahil umasa akong si Borj iyon. Pagka ganon pa man ay masaya parin ako, dahil bumalik na ang boy bestfriend ko. Isa nalang talaga ang kulang.

Masayang masaya si kuya Yuan pagka kita niya kay Tonsy. Wala parin pinag bago ang mukha nito. At isa na siyang lawyer. Mayroon na rin siyang asawa at isang baby, ngunit naiwan muna ang mga ito dahil anim na buwan palang ang kanilang baby.

"Happy Birthday, pare!" Bati ni Tonsy kay kuya Yuan at yinakap ito.

Isa-isa rin namin siyang binati

"How are you?" Tanong ni Tonsy sa akin

"Going strong" naka ngiting sagot ko

"Alam mo ba Tonsy akala namin ay nakalimutan mo na kami, ilang taon ka kayang walang paramdam" nagtatampong sabi ni Jelai

"Sorry guys hah, na busy lang kase alam niyo naman ang trabaho. Pero may good news naman, dahil dito ako mag sstay for a year, dahil may client ako here" paliwanag ni Tonsy

"Talaga, Tonsy? Dito ka na ulit!" Masayang sabi ni Jun-jun

"Grabe noh, si Borj nalang ang kulang. Hindi niya manlang ako binati sa birthday ko. Alam niyo ba, sampung birthday ko na ang na mi miss niya" malungkot na sabi ni Yuan




"Pero ngayon, hindi ko na palalampasin ito" sabi ng tinig na napaka familiar sa kanila

Pag lingon namin ay nakita na namin ang matagal na naming hinahanap

Ang kokompleto sa samahan nila

Ang pinakamamahal nilang si Borj.

Parang tumugil ang mundo nuong nakita ko siya...

His really back...

My Borj is back...

Hindi ko na napigilan ang sarili ko ay agad ko siyang yinakap. Wala na akong pake elam kung magalit man si kuya or tuksuin ako nila Jelai.

Parang nalusaw lahat ng mabigat kong nararamdaman pagka yakap ko sa kanya.

My heart never felt this safe.

My home is back.

"Bakit ka umalis?" Umiiyak kong tanong sa kanya habang naka yakap.

"Sorry, kailangan eh" sagot niya at naka yakap rin sa akin

"Ah, Roni ako naman" sabi ni kuya Yuan at agad na napalitan ng tawa ang iyak ko.

"BORJJJ!!!" Agad na sigaw niya pagka kalas ng yakap ko kay Borj at siya naman ang yumakap dito

Masayang masaya kami dahil sa wakas ay nandito na siya...

Sana lang ay magkaroon na ako ng lakas ng loob para aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman...

Pero sa 10 years na yon, alam kong naka ipon na ako...

I will just have to wait na ma solo ko siya

I am definetly gonna take chances now.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon