Chapter 11: for a while

68 6 0
                                    

Roni's pov

It's our day three dito sa Palawan, ngayon palang namin sisimulan mag-gala. Napagkasunduan namin na mag beach muna at mag picnic. Tapos bukas ay bibisitahin namin yung mga tourist attractions dito.

Nandito kami ngayon ni Jelai sa dalampasigan busy na nag pi picture. I am wearing black two piece while Jelai is wearing her white yellow two piece na bagay na bagay sa kanya.

We took a couple of pictures then posted it to our Instagram. Saktong itatago na namin yung phone namin ay pumunta si kuya palapit sa kinakaupuan namin.

Yuan: ano, mag pi-picture lang ba kayo dito?

Agad ko namang inirap ang mga mata ko dahil napaka KJ niya. We just want to take pictures for memories tapos pati yon ko kontrahin niya.

Roni: ang KJ mo talaga!

Yuan: anong kj? Eh kanina pa kayo diyan.

Jelai: alam niyo bago pa kayo magka pikunan tara na kila Jun-jun.

Agad naman akong nag lakad papunta sa kanila dahil baka hindi ko nanaman ma control ang inis ko kay kuya.

Borj: ok ka lang?

Tanong niya sa akin ng maka lapit ako sa kanila. Tumango lang ako dahil naiinis parin ako.

Tonsy: alam niyo let's just play a game.

Jun-jun: ano naman yon?

Tonsy: volleyball.

Tinignan naman ko naman ang tinitignan niya at nakita ko yung set up for volleyball.

Agad naman kaming nag agree sa kanya. At pinuntahan yon. Buti nalang ay hinayahan lang kami ng may-ari.

Borj: Roni, Jelai isuot mag cover up muna kayo para naman maging comfortable kayo.

Agad naman naming pinuntahan ang mga gamit namin at kinuha ang shorts at polo for cover up.

Borj: so sinong magkaka team?

Tonsy: dating gawi, Dela Cruz vs Salcedo.

Jelai: ok, kay Jun-jun na ako since future Mrs. Dela Cruz naman na ako.

Nakangising sabi ni Jelai na tinawanan naman namin.

Yuan: ang yabang mo ah... Pero sana all.

Borj: darating din yung para sayo. Ok, sa team niyo na ako para naman manalo ulit kayo.

Yuan: ang yabang mo noh. Alam mo naman na kahit ako lang ang nasa team Salcedo ay kaya ko parin manalo

Roni: ang hangin niyo.

Tonsy: pabayaan mo na Roni, alam mo naman ang galawan ng broken hearted.

Nag tawanan lang kami sa sinabi niya. Hanggang sa nag simula na ang game. Kami nila Borj at kuya sa Team Salcedo at sila Jun-jun, Jelai at Tonsy naman ang sa Team Dela Cruz.

Sa unang set ng laro ay sila ang lamang. Dahil halos ako lang ang gumagalaw sa team namin. Pano naman kase ay hindi pala marunong itong mga ka-team ko sa volleyball. Ilang beses ng natamaan si kuya sa mukha. Si Borj naman ay laging nadadapa.

Tawa lang ng tawa sila Jelai. Kaya naman humingi muna ako ng break.

Roni: anong punishment ng matatalo?

Tonsy: sila ang mag luluto ng dinner.

Yuan: sira ka ba? Saan naman tayo mag luluto sa hotel?

Tonsy: you can go sa grocery and buy meat for barbeques. Tapos mag bo bonfire nalang tayo.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon