Chapter 5: Plans

60 5 0
                                    

Goodmorning! Hope you enjoy!😁

Borj's pov

Pagka gising ko ay agad kong tinignan ang phone ko para tignan ang mga messages at para narin kamustahin ang resto ko.

Bigla namang nag notif ang group chat naming mag babarkada.

Jelai Rivera added you to the group.

Gc ka Soho

Yuan: yun, nag public rin ng account. Hello, Borj Goodmorning!

Last year lang akong gumawa ng facebook account. Na tripan ko rin dahil parang ako nalang ang walang ganitong app. Madalang ko lang itong gamitin. Actually, naalala ko lang itong gamitin dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko kase ma contact si Roni dahil hindi ko alam ang cellphone number niya. Nahihiya naman akong pumunta sa bahay nila, kaya minabuti ko nalang gamitin itong account ko. Mabuti nalang at madali lang hanapin ang account niya.

Justine: hello pareng Borj!

Missy: @Benjamine Jimenez, gusto mo pang pumunta sa mall?

Yuan: nice idea, honey bunch! Ano Borj, tara?

Borj: G!

Agad ko namang tinext si Roni para tanungin kung sasama siya. Pero sineen niya lang ang message ko kaya agad ko siyang tinawagan.

"Hello, goodmorning." Bati ko sa kanya pagka sagot niya ng phone.

"Oh, anong maganda sa morning?" Pagmamasungit niya. If I know kagigising lang nito kaya masungit nanaman.

"Ikaw." Sagot ko sakanya. At bigla naman akong nag sisi sa sinabi ko dahil binaba niya ang tawag.

"Ano?!" Galit na tanong niya nung tinawagan ko ulit siya.

"Sasama ka ba sa mall?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

"Ah, oo since wala naman akong gagawin." Sagot niya.

"Gusto mong mag date tayo?" Tanong ko dahil alam kong medjo may mood na siya.

"Date? Eh kasama nga natin ang mga barkada eh." Sagot niya naman

"Edi humiwalay tayo sa kanila" agad na sagot ko

"Hah, eh baka kagalitan ako ni kuya" alanganing sagot niya at natawa naman ako.

"Takot ka palang mapagalitan, eh bakit kinaya mong halikan ako kagabi" natatawang sabi ko.

Roni's pov

Bigla naman akong nag blush pagka rinig ko ng sinabi niya...

Shocks nakakahiya talaga.

"Alam mo, I'm sure na ok kay Yuan noh. Sabi mo nga hindi na tayo mga bata" muling sabi niya.

"Hmm, sige" tanging nasabi ko dahil nahihiya parin talaga ako.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya sa akin.

"Alam mo ikaw ang mag decide niyan, ikaw ang balik bayan dito noh, kaya ikaw ang mag decide kung saan mo gustong pumunta." Roni

"Kahit saan naman sa akin basta kasama kita" Sabi niya at hindi ko naman napigilang muling mag blush.

"Hmm, sige manood nalang tayo ng sine." Sagot ko

"Ok, see you on our first date then" pag sang ayon niya, tatanungin ko na sana kung anong 'date' ang sinasabi niya pero binaba niya agad ang tawag.

Borj's pov

Agad naman akong bumaba para kumain ngunit nagulat ako noong nakita kong wala pang pagkain, pag punta ko naman sa kwarto nila lolo at lola ay wala rin sila.

Ah baka pumunta lang sila sa palengke.

Kaya agad naman akong nag luto ng breakfast namin. Pagka tapos kong mag luto ay kumain na agad ako at nag prepare.

Pababa na sana ako sa kwarto ng biglang tumawag si Lolo sa akin...

Sinagot ko naman ito, maya-maya pa ay parang hindi ko na maramdaman ang aking katawan sa aking mga narinig.

Parang biglang dumilim ang paligid.

Napaka bilis ng kabog ng aking dibdib...

Fuck...

Bakit parang bumalik nanaman ako sa dati?

"Borj!"

Agad ko namang tinignan kung sino ang tumagad sa akin. Nakita ko naman ang mukha ni Roni na puno ng pag-aalala.

"Anong nangyari sayo?" Tanong niya sa akin.

Hindi ko na nasagot yung tanong niya dahil naunahan na ako ng mga luha ko dahil sa sobrang pag-aalala sa lola at lolo ko...

Hindi ko sila kayang mawala...

Hindi kakayanin ng puso ko...

Natatakot akong maiwan mag-isa...

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon