Chapter 1: Roni's pain

62 10 2
                                    

Roni’s pov

“Eh pano si Borj?”

“Alam mo itong panliligaw ni Basty malaking factor rin eh, major kilig rin to. Pero…”

“I don’t think ma iimagine ko yung buhay ko kung hindi nito part si Borj”

Hay Borj, ikaw nanaman ang nasa panaginip ko…

*riiingggg

Agad kong minulat ang mata ko at pinatay ang alarm ko. 7:00 am palang pala. Nakalimutan kong i off yung alarm ko kagabi. Nakakapikon…

Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang paligip ng kwarto ko. Wala paring halos nag bago rito, maliban sa mga naka display na pictures. Puno ito ng larawan kasama sila mommy at daddy , nandito rin ang larawan kasama ang mga barkada. Pumukaw sa mata ko isang larawan, ito ay ang larawan namin ni Borj. Ang dating bestfriend ng kuya ko at nanligaw rin siya saakin noon.

“Nasaan ka na ba, Borj? Bakit hindi ka na nagpaparamdam sa amin?” Malungkot na tanong ko sa sarili ko

Ang tanging alam ko lang ay nasa America ito kasama ang kanyang mommy at step father niya.

Wala parin itong paramdam, ni hindi manlang siya nag paalam sa matalik na kaibigan niyang si Yuan. Para siyang isang bula na naglaho na lamang.

Aminin  ko man  o hindi, simula nung nawala si Borj ay nag bago na ang pag tingin ko kay Basty.

Nag simula ko ng  hanapin ang mga ginagawa ni Borj saakin noon. Ang panghaharana nito , ang pag bili ng mga regalo, ang pag bibigay niya ng oras para sa akin.

“Roni, diba sinabi ko naman sayo na hindi ako kumakain ng minatamis na saging?” Mahinahong tanong ni Basty sa akin.

“Alam mo Basty, try mo lang to ang sarap kaya.” Pag pupumilit ko sa kanya

“Babe, ayoko talaga. Natatamisan ako ng masyado sa pag kain na yan” Basty.

“Alam mo, ang arte mo. Kung si Borj ito, kanina pang ubos ito” sabi ko at umalis na sa kusina

“Roni hindi ako si Borj” sagot ni Basty ng masundan ito sa sala. Bakas sa mga mata niya ang sakit. 

“Wag mo sanang masamahin, pero simula nung umalis si Borj nag bago ka na. Naging mainitin na ang ulo mo, hindi mo na rin pinapakinggan ang mga sinasabi ko. Lahat rin ng mga maliliit na bagay pinapalaki mo. Nasasabihan mo na rin ako ng masasakit na salita. Roni, ano bang problema?” Tanong nito at mahahalata ang sakit at pagod sa kanyang mga mata.

Hindi naman ako sumagot at tumitig lang sa kanya.

Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha. Umagang umaga ang lalim nanaman ng iniisip ko. Kinukulong ko nanaman ang sarili ko sa kalungkutan. 

Agad naman akong bumangot at naghanda na para simulan ang araw. 


“Hello, sis!” Bungad ni Jelai pagkababa ko ng hagdan.

“Hi” matamlay na sagot ko

“Oh, wag mong sabihin na nalulungkot ka na naman” Jelai. Hindi ko naman sinagot ito at nag dere deretso nalang sa upuaan.

“Hello? May kausap ba ako?” Tanong ni Jelai at tinabihan ako  “Wag mong sabihin na naalala mo nanam ang ginawa sayo ni Basty” 

Tinitigan ko naman siya . Pano ko kaya sasabihin na hiniwalayan ako ni Basty dahil napagod siya sa ugali ko.  Kung tutuusin nga ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sa amin, wala sanang hiwalayan na nangyari kung hindi ito napagod sa ugali na pinakita ko sa kanya.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon