Borj's pov
Nandito ako ngayon kina Roni. Mag-iisang linggo na rin mula nung libing nila Lolo. Actually, hindi pa ako umuuwi sa bahay namin. I've been renting apartment sa Manila. But mostly dito ako sa mga Salcedo nakikitulog dahil lagi nila akong inaaya. Lalo na si Roni, I've notice changes from her, she's becoming more and more vocal about her feelings and I'm loving it.
Kasalukuyang nag pla plano kami ngayon para sa vacation. Missy was the one who insisted this, para naman daw maka hinga kami. Well, tama naman siya I can't be sad forever.
"So what do you think? Sa Palawan tayo or Siargao?" Tanong niya sa amin. Jelai, Roni and Jun-jun voted for Siargao. Sila Missy, Yuan at Tonsy naman ay sa Palawan. "Borj, ikaw ang tie breaker, where do you want to go?" Agad naman akong siningkitan ng tingin ni Roni, as if she's asking me to take their side. Pero sorry nalang, sa Palawan ang gusto ko.
"Maybe Palawan" sagot ko at nag-tatalon naman sila sa tuwa. At agad naman akong hinampas ng unan ni Roni kaya napatawa ako ng malakas.
"Sorry Ronibabe, gusto kong mag explore sa Palawan eh" natatawang sabi ko. Agad naman napatigil si Yuan sa pag tatalon.
"Anong 'Ronibabe' hah? Gusto mo ng sapak?" Seryoso sabi niya na mas nag patawa sa akin.
"Alam mo Kuya, apaka oa mo. Hindi na ako bata ok?" Malditang sabi ni Roni.
"Pinag tatanggol lang kita, pano kung paiyakin ka rin nitong si Borj?" Bwelta ni Yuan.
"Hay nako, I'm sure hindi niya gagawin yon. Eh bata palang tayo in love na in love na yang si Borj ah" Sabi ni Jelai ka mas lalong naka pag patawa sa akin.
"Oh, bat puro ka tawa? Bakit, may balak ka bang paiyakin ako?" Tanong ni Roni sa akin kaya tumigil na ako sa pag tawa. Galit na ang aking boss.
"Syempre wala, that's the last thing na gagawin ko sayo" kinilig naman sila sa sinabi kong iyon.
"Anyways let's plan na, pwede?" Pag-iiba ni Missy sa topic. "I'll book the flight now para go na tayo bukas, since nag leave narin naman kayo sa works niyo." Saad niya at sumang ayon naman kaming lahat.
"Eh, dapat pala pumunta na tayo sa mall para maka pag shopping tayo." Suggestion naman ni Roni.
"We can go after lunch, since mag luluto daw si Borj." Saad ni Tonsy.
"Ano bang gusto niyong kainin?" Tanong ko sa kanila. Kanya- kanya naman sila ng suggestions kaya nag simula na akong mag luto.
"You need help?" Tanong sa akin ni Roni pagka pasok niya sa kusina. "Nah, just sit down" sagot ko habang busy sa pag luluto. Lumabas naman siya ng kusina at naki pag bonding sa mga barkada.
Pagka tapos kong mag luto ay tinawag ko na sila.
"Grabe Borj! Yayamanin ka na talaga." Jun-jun
"Tingin palang parang busog na ako" yuan.
"Wala na, sira na diet ko nito" Saad ni Tonsy at nag tawanan kami.
"Kain na tayo haha para maka pag shopping na" Saad ni Roni.
"Eto naman excited mag shopping" pang-asar ni Jelai.
"Syempre naman Jelai noh, may bonus ako ngayon." Naka ngiting sagot niya.
"May bonus na bugbug ka naman sa trabaho" rinig kong sabi ni Yuan. "Bakit ano bang trabaho mo?" Tanong ko naman kay Roni.
"Teacher" sagot niya at umupo na sa hapag kainan.
"Alam mo, kawawa siya sa work niya. Akalain mo yun, wala silang pahinga. Kahit na sa bakasyon sila ang naglilinis ng kwarto. And guess what, laging ginagabi yan si Roni na umuwi dahil masyadong marami ang students kaya may night class siya." Nalungkot naman ako sa narinig ko mula kay Jelai. Grabe talaga ang sistema dito sa Pilipinas, ang hirap hirap ng pinapagawa pero ang liit naman ng sahod.