Hello, I hope you enjoy!!! Thank you💗
"So it's true, when all is said and done, grief is the price we pay for love." -E.A. Bucchianeri
Borj's pov
4:17 pm just two minutes after Lola Seling passed away, nawala rin si Lolo. Hindi niya kinaya ang sakit ng pagkawala ni Lola.
I guess, it's true that even death can't separate them.
Lolo made sure that Lola won't go alone with her last journey.
Ang iniisip ko nalang ngayon ay mag kasama parin sila at hindi na muling mag hihiwalay pa.
Pero sa totoo lang sobrang bigat ng nararamdaman ko. Ngayon na bumalik na ako dito sa pilipinas saka sila nawala. Halos mag da dalawang araw palang ako dito...
"Ah pareng Borj, nandito na sila mommy sila na daw bahala sa pag buburulan kina lola. Naka hanap narin sila ng funeral service, kaya need mong pumunta doon para pumili ng mga gagamitin nila." Sabi ni yuan sa akin kaya agad naman akong nag paalam sa kanila. Sumama naman si Roni sa akin para alalayan ako.
Pagkarating namin sa funeral service na sinabi nila tita marite ay agad akong pumili ng mga gagamitin nila Lolo at lola.
"Ah, may damit na po sila. Ipapa deliver ko nalang dito" Saad ko sa staf.
"Roni tara na" aya ko naman kay Roni, agad naman siyang sumunod sa akin. Pagka rating namin sa bahay ay nandoon ang mga kaibigan namin pati narin ang mga magulang nila.
"Iho, I am sorry for your loss" Sabi ni tito Cesar sa akin at yinakap ako. Ganon rin si tita Marla.
Umiiyak naman na lumapit sa akin si Jelai at yinakap rin ako. Maging si Missy ay hindi na napigilang maiyak nung yinakap ako.
"Pare be strong hah, nandito lang kami" Saad ni Jun-jun at yinakap rin ako.
"Borj anak, we are really sorry for your loss. Grabe, I am still in shock. Hindi ko aakalain na sa isang iglap ay mawawala na sila" naiiyak sa sabi ni Tita Marite.
"Pati ngarin kami ay nagulat. Akala ko pa naman ay mabubuo na tayo" malungkot na sabi ni Tita Elsie.
"Be strong anak. Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap. Welcome ka sa pamilya namin" saad ni tito charlie at yinakap ako.
Nag paalam muna ako sa kanila saglit para kuhahin ang susuutin nila. Pagka pasok ko sa kwarto nila ay agad kong pinalibot ang paningin ko dito. Naalala ko ang mga oras na tinataguan ko si Lola kapag binibihisan niya ako. Dito rin ang takbuhan ko kapag kailangan ko ng pera mula kay Lolo. Minsan ay dito ako natutulog kapag malakas ang ulan at kidlat.
Paano na ako kakalma kapag malakas ang ulan at kidlat?
Pumunta ako sa closet nila at kinuha ang mga susuutin nila. Pinili ko ang sinuot nila noong nag diwang sila ng wedding anniversary. Memorable ang araw na iyon para sa amin dahil ang daming nangyari, una ay pinanganak si Mafi at ang araw rin na yon ay umamin ako kay Roni.
Pagka kuha ko ng mga damit ay umupo muna ako sa kama nila. Yinakap ko ang mga damit na hawak ko. Gulong gulo ang puso at isip ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para sa mga susunod na araw. Hindi ko rin alam kung paano ako babangon sa pagkaka lugmok.
Paano na ako ngayon?
"AHHH, LOLO...LOLA!!" I screamed hoping that it will lessen the pain.
Yuan's pov
Nagulat naman kami sa narinig namin sa taas. Nakita ko sina Roni, Jelai at Missy na umiyak dahil sa narinig naming sigaw ni Borj. Maging ang mga magulang namin ay naiiyak na rin.