Mula sa templo,malakas na sigaw ang gumambala pananahimik ni Weeru
"Weeru! nawawala si Dav"
Mula sa malalim na pag dadasal, ay nabulagbog
Marahan siyang tumayo at sandaling napatingin sa sinding apoy sa altar ng kanyang diyosa.
"Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat"
Malumanay na sabi niya habang hindi inaalis ang tingin"Masusunod"umalis ito nang patakbo
Ilang sandali pa ay
Nagbigay pugay siya at iniwan ang templo
......
"Pinatawag ko kayong lahat,upang ipaalam na nawawala muli si Davon"aniya ni Weeru
"na naman?paano nangyari iyon ?"agad na napatanong ang Pinuno ng mga taong ibon na si Vel
"Malaking problema ito"komento ni Aliso na pinuno ng mga buwaya
"Huli kong balitang natanggap ,may nakasaksi sa kanya ng isang umaga na nakikipag laro pa sa mga usa.Subalit iyon na lamang ang huling impormasyo at bukod don wala na."Weeru na namumroblema tulad ng mga naroroon
Bumukas ang pintuan ng silid ,lahat sila ay napatingin
"Weeru!may dapat kang malaman..si Dav ,sinabi sa akin ng mga paru-paro nakita nilang tumawid si Dav sa lagusan "habol hinga pa ito sa pagod habang hinahayag ang nalalaman
"Ano?!saang lagusan?"pinuno ng mga alakdan na Daska
"Lagusan patungo sa mga taong lobo"
Tugon nito kitang kita ang pag aalalaNapasinghap ang karamihan sa loob ng silid
"Huh?!hindi maaari..bakit niya iyon ginawa"namumutlang sabi ng pinuno ng mga kuneho na si Polly.
Takot na takot ito'Malaki talaga itong problema'napapailing na sabi na sa isipan ni Weeru
Pero walang pag pipilian.Dapat na maibalik agad si Davon
"may dapat pumasok sa lagusang iyon at hanapin si Davon,kong mawawala siya magugulo ang balanse ng mga insekto ."
Sabi ni Aliso"May mag bubulontaryo ba ?"aniya ni Weeru tumingin siya sa mga kasamahan,umaasang may mag bubulontaryo
Walang ni Isa ang sumagot dahil narin sa gulat.Lahat ay nababahala sa sasapitin ng mag tatanggka.
"Kong ganon,alagaan niyo Ang templo habang wala ako."
"Weeru,pupunta ka?"na hindi makapaniwalang sabi ni Polly
Tumango siya
"Lahat tayo ay nababahala ,subalit mahalagang makabalik si Dav""Hindi ka na ba namin mapipigilan?may pwede tayong ipadala don upang hanapin siya,ang mga bantay ,bigyan sila ng misyon"Vel na nag aalala para kay Weeru
Umiling siya
"Mas mapapanatag ako kong may Isa sa atin ang pumunta."
"Weeru,Ikaw ang pinaka mahalagang pinuno sa lugar na ito,kaya paki-usap bagohin mo ang iyong desisyon "Polly
Natahimik ang lahat,walang nais na magsalita.Takot sila ,dahil noon may kaganapang nawala na ang isang pinuno dito at napunta sa mga taong lobo.Hindi na ito nakabalik pa,naging misteryo ang lahat ng pangyayari.
Walang balita o kahit ano man,kaya nababahala ang lahat .At bilang taga pag alaga ng mga Pinuno sa mundo nila,walang dapat umako kundi si Weeru.Taga pag alaga siya at dapat na patunayan niya ang kanyang kakayahan sa mahal na diyosa
BINABASA MO ANG
TAMER
Lobisomem"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...