Forgotten

60 1 0
                                    







Nakatingin silang lahat ng magkakaharap ,bawat Isa ay nakikiramdam

Nakakapagtakang pare-parehas sila ng reaksyon maliban na lamang kay Quarhie at Aida.


"Sinasabi niyo bang lahat na kayo  ay nawawalan ng alala??"Aida sa limana magkakaharap kabilang na si Aliso,Rad , Swenii Gale , Lazella,at Davon.
Si Dalio naman ay natutulog at nasa maliit nitong anyo.

Mga nagtanong ang kanilang reaksyon.


"Pasensya na,hindi ko naiintindihan ang nangyayari dito."Lazella na nauna ng magsalita

Nasa isang silid sila na ngayon,magkakasama na at may mga malay.
Subalit ,tila isang trahedya ang nangyari.Nagising silang lahat na walang alala at maging pangalan nila ay hindi masabi.

Sinimulan magkwento ni Aida,sa lahat ng nalalaman niya.

Binahagi din niya ang mga pangyayari at mga pangalan ng mga ito.

Natahimik naman ang lahat matapos mag kwento si Aida.Lahat pinuproseso sa kanilang isipan ang narinig.

"Grabe,ganon pala ako kagaling"mangha na sambit ni
Rad sa sarili

Napailing si Gale sa narinig mula Kay Rad,nakadama kasi siya bigla ng pagkainis dito.
Hindi niya alam kong bakit.

"Bakit hindi natin kasama si Weeru?ang aming pinuno?bakit wala siya dito?"tanong Swenii

Nag aalala bigla si Swenii para sa Tinutukoy na pinuno nila.

"Hindi ko alam,pero ng inalam ko sa mga kumuha sa atin sa gubat,tayo lamang ang naroroon ng matagpuan nila."

"Isa lang Ibig sabihin,naiwan si Weeru."Quarhie

Tumango naman si Aida bilang pag sang-ayon

"Nandito tayong lahat,dahil upang ipaalam sa inyo na babalik tayo doon upang hanapin ang ating pinuno."Si Aliso na naka kros ang kamay sa dibdib nito.

"Ilang araw na ba tayong natutulog?"
Bulong ni Davon

"Apat na araw mula ngayon"tugon ni Eucen

"Ano?!ganon na katagal ?.."maging si Aliso hindi makapaniwala na matagal na pala silang natutulog.

"Bakit ba ito nangyari sa atin,at bakit kayo lamang dalawa ang may kompletong alala?"si Rad na tinutukoy sina Aida

"Hindi din namin alam,malaking katanungan din iyon sa amin.
Tila may nangyari sa inyo ng umalis kami.Ng balikan namin kayo ,nasa sitwasyon na kayong dapat iligtas."

Napahilamos na lamang ng palad si Aliso

Si Eucen ay tahimik lamang din nakikinig.Siya ang inatasang magbantay sa mga panauhin na ito.
Bukod kasi sa pag babantay dapat malaman niya ang tunay na nangyari sa gubat na iyon ng maipag bigay alam niya sa hari ang nangyari sa puso na dapat nasa kanila na ..pero sa kasamaang palad,natagpuan ang puso na basag na.

"Eucen,dapat na kaming umalis sa madaling panahon,wala na dapat kaming  aksayahin na  oras."
Aliso

"Ipagpabukas niyo na,Gabi na at hindi niyo agad mahahanap ang kailangan niyo"
Si Eucen na nakangiti at nakapikit ang mata.

"Pero kong patatagalin namin,baka ano pang mangyari sa aming pinuno"aniya ni Davon

"Magtiwala kayong walang nangyari sa kanyang masama.At Isa pa,hindi kayo makakatawid sa border . Mapanganib don lalo na sa gabi"

"Hindi--"sasagot pa sana si Swenii ng pinigilan sila ni Aliso

"Tama siya,bukas na bukas aalis tayo.
Magpapaalam tayo  at magpapasalamat sa mga taong tumulong sa atin."
Aniya ni Aliso

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon