Palinga lingang nakatingin sa labas ang mga kasamahan ni Weeru
Nauuna ang ahas sa kanina..tanging si Weeru lamang ang natira sa loob kasama si Dalio ng karwahe na pinatatakbo ngayon ni Aliso, samantalang nasa labas naman ang iba.Pinalilibotan nila si Weeru na nasa loob.
Wala pang maayos na pahinga si Weeru,lalo na at mabagal talaga ang pagbabalik ng kanyang buong lakas simula ng pinagaling niya ang alpha,may katumbas ang kanyang nilalabas na kakayahan.
Nakikinig na lamang siya sa labas.
Isang oras narin ang nakakalipas ng sila ay magsimulang pumasok sa kagubatan.
Napatingin naman siya sa labas ng bintana ng makarinig ng kalabog,nasundan pa ito ng pagkalog ng sinasakyan.
Ng tingnan niya nasa mabakong daan na pala Sila
"Aliso,..sandali nais kong naglakad na lamang"
Huminto ang karwahe at dahan dahang bumaba na si Weeru.
Tinulungan naman siya ni Rad makababa ng tuluyan.
"Bakit po kayo bumaba , pinuno?"aniya habang naka alalay dito
"Mabako ang daan."
Tugon niya
Lumingon naman sa kanila Ang ahas na ngayon ay nagtataka sa paghinto ng karwahe.
"Ayos lang ba ang lahat?"tanong nito
"Mabuti naman,walang problema.Magpatuloy na tayo"tugon ni Weeru dito
"Weeru Pov"
Pinag mamasdan ko ang paligid,nakakapagtaka na sa ganitong oras walang kahit anong huni ng hayop o maririnig na kahit anong kaluskos.
Umihip ang hangin,
Nakakadama ako ng lamig sa aking mga kamay,kaya naman niyakap ko ang aking sarili.
Hindi ko maunawaan bakit ganito ang aking nararamdaman.
Isang hangin ang humpas sa aking balat.
Kinalabutan ako sa dala nitong kakaibang lamig.
Hindi ko napansin ang agarang pag hinto ng ahas,
singbilis ng kidlat na humarap sa amin
"Bilis may paparating.
At makinig kayo,wag na wag kayong gagawa ng ingay
kong ano man ang makita nyo,manatili kayong tahimik,maliwanag.?"
Matapos sabihin ay inikutan niya gamit ang kanyang katawan ang pwesto namin .Dahil sa laki niya ,nagmistulang pader ang paligid namin.
Puno man ng katanungan pero mas pinili kong makinig sa kanya.
Ganon din ang aking mga kasamahan.
Naalala ko bigla si Dalio,agad na pumasok ako sa loob ng karwahe.
Sakto naman na gising na ito mula sa pagkatulog.
"Wag kang gagawa ng ingay"utos ko sa kanya
Tumango naman ang munting si Dalio.
Nagtago pa ito sa loob ng damit ko
Si Rad naman ay nakabantay sa kabayo.Kinausap niya ito na tumahimik din.
Tahimik na ang paligid..tanging aking paghinga lamang ang aking naririnig.
Walang nais gumawa ng ingay hanggang sa mga tunog ng pakilos ang aking sunod na narinig.Matulin ito at mabigat,minsan pa ay tila mabigat na hinihila .
nakadama ako ng kaba,alam kong nasa labas lamang ito sa ginawang bakod ng kaibigang ahas.
Dahan dahang sumilip ako sa labas ng bintana sa pag nanais kong alamin ngunit
Nanigas ang aking buong katawan ng mismong sa aking pag tingin.Isang malaking mata ang nakatingin sa aking direksyon.
Maging ang aking paghinga ay napahinto sa aking pagkabigla.
BINABASA MO ANG
TAMER
Loup-garou"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
