Ilang araw pa ang inagali Nina Weeru sa pack ng Moonlight.
Sa tulong nina Alpha Lison at ang mga pack members nito ay naging gabay nila sa pag hahanap.
Napaka lawak ng pack ,at bawat Isa ay kanilang kinakausap upang alamin kong may nakita sila taong kamukha ni Dav..o nakasalubong man lang sa labas ng border.
Pero bigu silang makita ...tila balik na naman sila sa pangangapa sa pag hahanap sa umpisa.
Napahilamos na lamang siya sa mukha gamit ang dalawang palad.
Ng tanggalin niya ang nakatakip sa mukha,malaking mansanas ang kanyang nakita.
Hawak pala ito ng isang kamay,na ngayon ay inaabot sa kanya
Ng kanyang tingnan kong sino ang may-ari ng kamay,
Si Aliso pala.Kinuha niya ito at sabay kagat.Kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura ,dahil sa abalang umaga na kanilang ginawang pag hahanap.
"Salamat,ang tamis nito"
Aniya kay Aliso"Walang ano man"nakatingin ito sa kalayuan
Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan nila,napatutok naman sa pagkain si Weeru.
"Alam kong lahat tayo,napapagod na..at nababahala sa pag tatagal natin sa pag hahanap kay Davon."
Napahinto naman si Weeru ng magsimulang magsalita si Aliso"Nakikita ko din na sa tuwing tayo ay nabibigo,tila nauubusan ka ng pag asa .
Pero...Weeru.,makikita natin siya,ituloy lang natin ang pag hahanap,huwag tayong mawalan ng pag asa."Nabigla si Weeru ng magsalita ito
"Salamat sa pagpapalakas ng loob ko ,Alam mo...kong siguro natuloy akong mag Isa dito.Hindi ko talaga alam ang gagawin ,kayo nag papalakas ng loob ko eh."
Gumaan ang loob ni Weeru,tama si Aliso."Tara,magpatuloy na tayo."umayos ng tindig si Weeru habang hawak ang mansanas.
Nagpatuyo siya sa paglalakad ng may napansin.
Kakaiba ang pag kukumpulan ng mga Ibon.Tila may pinagkakagulohan
"Aliso,tingnan mo"sabay turo don
Napatingin naman agad si Aliso
Napakunot din ang noo nito sa pagtataka.
"Tara puntahan natin don."
Nauna na si Weeru matapos niyang sabihin ang mga katagang iyonNais pa sanang pigilan siya ni Aliso sa pag lapit, ngunit huli ng nakatakbo ito.
Tanaw nila ang pwesto subalit kailangan lakarin ito .
Ng makalapit si Weeru
Ilang mga ibon ang nagtaka at nagulat
Akmang lilipad ang mga ito ng pinigilan sila ni Weeru
"Mga kaibigan,sandali wag kayong umalis,hindi ko kayo sasaktan,nais ko lang kayong tanungin "malumanay na sambit niya
Nagkatinginan ang mga Ibon,nagtaka ang mga ito ng kausapin sila ng tao.
At higit sa lahat ,nag bibigay tanong sa kanila,ano ang kanilang nararamdaman tungo sa mga taong lumapit sa kanila,tila napaka gaan ng kanilang pakiramdam dito."pasensya na sa abala..batid kong abala kayo.Pero ayos lang ba ang lahat?"
Tanong ni Weeru"Huh?..tao? kinakausap tayo ng isang tao?"Isang ibon ang napatanong sa mga kasamahan nito
"Oo naiintindihan ko ang iyong mga sinasabi."segunda agad ni Weeru
Ilan ay napasinghap sa gulat nang malaman na nauunawaan sila

BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...