Salt water

49 5 0
                                    





Isang mahinang katok ang pumukaw ng atensyon nina Weeru

Nagkatinginan pa ni Dalio,na munti niyang alaga.

Ito ang munting nilalang na nakuha niya sa kagubatan.

"Pasok"mahinang tugon niya

Bumukas nag pinto at pumasok naman si Gale

"Pinuno,pinatatawag kayo sa pagamotan"
Aniya kay Weeru

Ibinaba niya mula sa kanyang hita si Dalio

"Bakit ?"
Tanong niya

"Hindi ko po batid kong Anong dahilan ,subalit ang nagpatawag ay ang alpha"

Tumayo na si Weeru ang inayos nag kanyang balabal.

Naunang naglakad na si Weeru kasunod niya si Gale at maging si Dalio

Nong una natatakot talaga ang mga  tao dito sa pack,subalit sinabi ko lamang na alaga ko si Dalio,kaya naman naging panatag na ang kanilang kalooban sa munting nilalang

Sa labas palang sila ng pinto ng silid pagamotan ng sinalubong na sila ng Alpha

"Weeru,mabuti nakarating ka agad.May dapat tayong pag usapan"
Sabi ng alpha,na bakas sa mukha nito ang pagkabahala

"Ano iyon alpha?"

"Sumunod ka , kailangan mo munang makita"

Dali-dali itong pumasok  sa silid pagamotan

Binuksan pa niya ang kurtinang naghahati sa bawat maliit na silid .

Napasinghap  at napatakip ng bibig si Weeru sa nakita.

Namimilipit sa sakit ang Isang pack warrior,ang sugat nito ay tila tinubuan ng isang bulaklak.

"Ano ito?"nabigla siya at kinilabutan

"Weeru,tulungan mo kami..Ikaw Ang nakatulong sa akin, hindi ba?kaya nakikiusap ako..tulungan mo muli kami.Hindi malaman ang kanilang sakit ,walang lunas"

Tumalikod si Weeru at binuksan pa ang mga kurtina..lalo siyang natakot ng makitang lahat ng nakahigang pack warrior ay may mga ganong kondisyon

Sa bigat ng kanyang damdamin,napahinga siya ng malalim .

Bumalik siya muli sa pwesto ng alpha.

"Gale,tawagin sina Aliso..magkita kami ngayon din sa labas ng Silid na ito."utos niya Kay Gale

Lumabas din agad ito

Umupo siya at kinuha si Dalio.

"Dalio,may alam ka ba sa halaman na yan.?"

Tinuro niya ito dito..tiningnan naman ni Dalio ang tinutukoy niya.

Isang malaking bulaklak na puti na may kulay lila .

"Lason"tugon nito sa kanya

"Lason?ibig sabihin alam mo ang klase ng bulaklak na yan?"

"Opo,lason yan.nabubuhay ang halaman sa sariwang dugo ng mga nilalang na ano mang madilitan ."habang nilalaro ang kanyang maliit na buntot

"Alam mo ba ang lunas?"umaasa siya na may alam ito

"Isang tubig mula sa maalat na tubig"

Humarap agad ako kay Alpha
"Alpha may maalat bang tubig dito?"

Nakatingin na nag tataka ang alpha sa kanya,ang nakikita niya kasi kong paano kausapin ni Weeru ang alaga nito na parang nagkakaintindihan silang dalawa.

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon