Fog

38 4 0
                                    






"Pwede bang manatili nalang kayo dito?"munting bata na nakahawak sa damit ni Weeru

Napangiti ng tipid si Weeru

Umupo siya upang pantayan ang bata

"Nais kong mangyari nga iyon,subalit may misyon kaming hindi na dapat patagalin pa,Luila."

Nalungkot ang mata ng bata

Hinaplos naman niya nag buhok ng bata

"Ganito nalang,para hindi ka malungkot.May ipapadala akong munting kaibigan sayo"

Nanlaki ang mata ng bata

"Kaibigan?sino?"

"Darating ang araw na makikilala mo siya,Basta ipangako mo sa akin na kahit Anong mangyari,alagaan mo siya at ituturing na kapamilya."

"Hmm!sige gagawin ko,pangako"
Ang saya ng bata ,umalis na ito at tumakbo sa tabi ng kanyang Ina na naka tingin din sa kanila.

Paalis na sila sa pack ni Alpha Lison,ang mga nandito ay magpapaalam sa kanilang pag alis,
Malaki din ang pasasalamat nilang lahat sa grupo ni Weeru,batid nilang lahat kong anong binigay na tulong ng mga ito

Maraming nagbigay ng mga pabaon na pagkain at maging mga kagamitan sa pag papatuloy na pag lalakbay nina Weeru.
Maging ang mga bata ay nagbigay ng mga puting bulaklak.
Nagmistulang maraming punpon ng bulaklak ang kanilang hawak

Natatawa nalang din si Weeru sa reaksyon ni Aliso at Rad.
Namumula kasi ang mga taenga nito sa hiya,nilagyan pa Sila ng kwintas at koronang gawa  din sa bulaklak

"Aalis na kami mga kaibigan,hangad ko ang mga mabubuting bagay na mangyayari sa inyong lahat, ipagdadasal ko ang inyong mapayapa at masayang pamumuhay."aniya ni Weeru sa mga pack members.

"Maging kami ay ganon din ang dasal para sa inyo,Weeru.Madami akong dapat ipag pasalamat sa lahat ng inyong ginawa.Unang una ang pagdugtong ng aking buhay,pangalawa ang pagtulong sa mga pack member naming nagkaron ng sakit.Walang katumbas ang iyong kabutihan napakabusilak ng iyong puso."
Alpha Lison na nakakadama narin ng lungkot sa pag alis nina Weeru,..

Iniisip niya kong pwede nga lang hilingin niya sa mahal na diyosa na si Weeru nalang ang mate niya gagawin niya,subalit hindi eh.
Sa kaunting panahon nagkaron na ng  mahalagang parte si Weeru sa buhay niya.

"Alpha,salamat."ngumiti ng malawak si Weeru

Tumango lamang si Alpha Lison
Wala siyang nais na sabihin baka mapangunahan siya ng kanyang isipan ang kong anong sabihin,baka mapahiya lamang siya .

Muli ay tumingin si Weeru sa kanyang mga kasamahan nagpapaalam na ang mga ito sa mga pack members

Naunang pumasok na si Weeru sa karwaheng ibinigay ni Alpha Lison,nakasilip siya sa bintana pinapanood ang mga taong nagpapaalam sa kanila ngiti at pag tango na lamang ang nagawa niyang pagbalik.





Matiwasay na nakaalis sina Weeru sa pack nina Alpha Lison

Tahimik na naglalakbay sila ngayon sa tahimik na kakahoyan

Sa sobrang tahimik,nakaidlip naang iba niyang kasamahan,si Rad naman ay siyang nag papaandar ng karwahe katabi si Aliso na nakamasid sa mapang ibinigay ng alpha.
Laki din ng pagpapasalamat ni Weeru sa ibinigay ng alpha na karwahe,napaka komportable kasi ito ,may higaan at mga kagamitan kong nais mag pahinga.Malaki din ang espasyo ng looban.
Idagdag pa ang magandang pagkakagawa ng bawat parte ng karwahe.




Huminto bigla ang karwahe,nagtaka naman si Weeru

"Pinuno,may dapat kang makita"
Tinig ni Aliso

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon