Napabalikwas ng bangon si Aliso,agad na palinga-linga sa paligid.
Alam niyang bago siya nawalan ng malay,may isang mabangis na hayop ang sa kanila ay sumugod
Kahit anong laban nila,wala silang nagawa.Hindi nila magawa man lang na itumba ito.
"Aliso??...salamat sa diyosa ng buwan ,gising ka na!"patakbong lumapit si Aida sa kanya
Nakabantay ito sa kanyang pag gising
napahawak siya sa kanyang balikat
wala siyang nadamang sakit o kahit ano,bukod sa nanghihina parin ang buo niyang katawan.
Tandang tanda niya kong paano siya ginawang laruang hayop na sumugod sa kanila.
Siya ang puntirya ng halimaw,dahil sa dami ng nasa loob ng silid,siya lamang ang inatake nito.
Nadamay lamang din ang mga kasamahan niya naroroon dahil pilit nilang inilalaban siya at upang iligtas."Aliso?"muling tawag ni Aida
Pumasok bigla sa isipan niya ang mga kasamahan,takot ang una niyang naramdaman.
"Nasaan ang iba? Sabihin mo ,ligtas sila ....diba?"nag aalala at umaasang siya na maayos ang lahat
"Oo ligtas silang lahat,Ikaw na lamang ang natitirang natutulog.Kaya nag aalala na ang iba sa iyo"pahayag nito
Nakahinga naman siya ng maluwag.
Iginalaw niya ang kanyang mga paa,nais niyang lumabas ng silid, subalit ng galawin niya.Para itong lantang gulay,hindi niya masyadong magalaw.
"Sandali,huwag kang aalis dyan, tatawagin ko si Eucen"napansin pala ito ni Aida.
Hindi pa siya nanakasagot ng makaalis na ito sa silid.
Nanatili nalamang siyang nakaupo sa gilid ng kama.Hindi niya maigalaw masyado ang mga Binti
Sandali pa lamang ang nakakalipas ng bumukas ang pinto.
"Mabuting gising ka na"Si Quarhie at kasunod si Rad na kakapasok lang din
Sila ang unang nakasalubong ni Aida kaya naman sinabi na nito ang magandang balita.
Tumango siya sa mga ito
"Kamusta kayo?"tanong ni Aliso sa dalawa
"Sa nakikita mo,buhay parin "sabay halakhak ni Rad
Nakangisi pa ito habang nakahawak sa magkabilang baywang nito"Mabuti kong ganon"
Tugon nalang din ni AlisoSa kalooban niya , masaya siyang maayos naman ang mga ito.
Bumukas muli ang pinto at sina Swenii.
Nakasilip pa ito sa pinto ,pero tinulak ito papasok ni Gale kaya tuluyan na ito nakapasok .hindi narin nagawa nitong mag reklamo sa ginawa nitong pag tulakTahimik na pumasok din si Davon.Habang hawak ang kanyang alagang hayop na Si Dalio.
"Aba aba, kumpleto na kayo dito"sabi ng bagong dating na si Eucen.
Sinuri ni Eucen ang bagong gising na si Aliso.
At habang tumatakbo ang minuto,nag uusap na sila sa silid .
"Hindi ko talaga inasahan na mangyayari iyon sa atin"si Davon na nakasimangot,masama talaga ang kalooban niya.
"Oo nga eh,mabuti nalang buhay pa tayo"Gale na nakikipag laro sa hawak ni Davon na si Dalio
"Nga pala Aliso,kong hindi mo pa napapansin,wala na tayo sa palasyo."
Sabi ni AidaDoon lamang din nabigyan ng pansin ang paligid.Kumpara sa naunang gising niya noong nagkamalay,mas simple nga ang lugar na ito

BINABASA MO ANG
TAMER
Hombres Lobo"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...