Pumasok na muli sa gubat ang grupo nina Weeru ng nawala ang hamog.
Nabago na ang plano,hindi na paglabas nila sa kagubatan ang kanilang gagawin.Kung hindi ang hanapin si Davon at ang sinumpang puno.
Habang sa kalagitnaan ng kanilang pag hahanap
Napahinto ang karwahe sakay sina Weeru
nasa harap nila ang isang lawa ng ubod ng lapad sa lawak
At dahil sa pag hinto,bumaba sila ang sakay ng karwahe.
Kakaiba ang itsura ng lawa,napakalapad nito bukod don ang bawat perpektong kurba ng bilog sa bawat bahagi nito.
Tila ba ang desinyo nito ay nag dadala ng malaking pala isipan sa mga taong papasok .Hindi mabilang kong ilan ang mga bilog.
Pero iisa lang ang nasa isipan nilang lahat,kong tatanawin,bawat gitna ng mga bilog na hugis ay madilim,nag papahiwatig nalamang na malalim at gitna nito.Lumapit pa ng kaunti si Lazella sa tubig.
Umupo siya at akmang isasalok ang kamay ng pinigilan siya ng sigaw ng ahas"Huminto ka,wag na wag mo iyang hahawakan."
Lahat sila ay napatingin sa ahas at umipod naman agad palayo si Lazella.
Sa pagkakataong iyon ,isang mabilis na pag alsa ng tubig mula sa isang bilog na kurba ang umangat.
Napakalaking sakop ng tubig ang humampas sa pwesto ni Lazella kanina lamang.Napaupo naman si Lazella ng masaksihan ito.Gulat siya sa Hindi inaasahang pag atake sa kanya
"Lubhang napaka delikado ng lawa na ito.
Kong hindi kayo mag iingat ,mabilis lamang kayo nitong tataposin."
Aniya ng ahas"Kong mapanganib pala ito,dapat sa iba tayo dumaan."
Nangingig pa ang tinig na sagot ni Lazella,dinaluhan naman siya nina Swenii at itinayoUmiling ang ahas
"Gustohin ko man, subalit Ito lamang ang tanging daan upang makarating sa sinumpang puno"
Aniya ng ahasHindi na napigilang mapakunot ang noo ni Rad at ng iba pa
"Ito ang tanging daan ,at mapanganib din....ngayon,paano tayo makakalagpas dyan kong kaunting galaw lamang ay nais na tayong taposin"
Aniya ni Swenii"May parte na ligtas daanan...
at sa tulong din ng malaking dahon sa gilid ng lawa.Maayos tayong makakadaan."
Ahas na lumapit na sa Tinutukoy na dahon.
Pinanood din siya ng mga kasama"At sa ganitong anyo ,mahihirapan akong makatawid."dagdag pa ng ahas.
Inikot niya ang buong katawan,at sa isang iglap nagbago ang kanyang anyo...mula sa isang malaking halimaw na ahas,ay naging magandang babae ito.
May suot itong tulad ng mala pilak na kaliskis ,mahabang itim na buhok,at maputing kutis .
Namangha naman sina Rad ng makita ang itsura ng ahas."Nais kong magpakilala ng buong pagkatao.Hindi ito permanenteng anyo .Dahil sa sumpa.
Subalit,mas mabuting magpakilala ako .
Ako si Aida.At tulad ng sabi ko noon naisumpa ang lugar namin at maging kaming nakatira dito.Kaya hindi kami ligtas maging ang aming buong pagkatao.""Aida,bakit mo ngayon lamang sinabi."Sagot ni Weeru
"Dahil,hindi mahalaga noong una at Isa pa,para saan pa?."nasa tinig nito ang lungkot pero tinatabunan lamang ng tono na palaban
"Aida,wala akong masabi na makakapag pagaan ng iyong kalooban ,..sa ngayon tapusin natin ang misyon nating mapuksa ang sinumpang puno.Bunotin natin ang ugat ng pinag mulan ng kagulohan."
BINABASA MO ANG
TAMER
Weerwolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...