Pack

50 5 0
                                    




"Weeru Pov"


"Aliso?..."Tawag ko sa kanya

"Hmm?"
Tumingin ito sa kanya

"Kinakabahan ako"sabi ko

Kanina pa kasi hindi ako mapakali

Malapit ka kami sa pack na tinutukoy ng kaibigang isda

"Huwag kang mabahala.. magiging maayos ang lahat"
Aliso

Suminyas si Rad na huminto

"Anong nangyayari?"tanong ko

"May papalapit sa atin"
Aniya ni Rad na nakatingin sa paligid

"Maghanda "Aliso na bumunot na ng sandata mula sa kanyang tagiliran

Umuhip ang hangin,nadala ang tuyong mga dahon

Naging tahimik ang lahat,nag aabang ng dadating

Maging ako, naririnig ko na ang mabibilis na pagtakbo at mga mabibigat na yapak.

Dahil sa kaba,napahawak ako sa aking bibig.

"Sino kayo?!bakit kayo naririto!"
Isang matigas na tinig ng lalaki ang aming narinig

Lahat ay nakaharap sa taong kausap nila ngayon.

Sa likod nito ay isang grupo ng mga asong lobo.

Nakakatakot ang ang presensya nito,may malaking katawan at masasabing sa unang tingin ay hindi ito pangkaraniwan.

Humakbang ako papalapit ng kaunti

"A-ako si Weeru,at ang mga kasamahan ko ay Sina Aliso.Mula kami sa lugar na Kong tawagin ay Arellam.Naparito kami upang hanapin ang aming kasamahan ."

Umangil ang ilang mga asong lobo na nasa likod ng lalaki,tila pinuno ng grupo.

Lumingon ito sa likod niya sabay sabing

"Tumahimik!"

"Hindi ko ibig na kayo'y itaboy,subalit kailangan niyo ng umalis."

Agad na nabahala ako

"Hindi.. pakiusap,may nakapag sabi sa akin sa pack na ito napunta ang aking kasamahan.Kailangan namin siyang matagpuan "

"Hindi maaari,kagabi nagkaron ng kagulohan sa aming pack,at may sinira sila, nagkaroon ng pinsala sa aming mga pack members."

Napa iling ako

"Kayo na lamang ang pag -asa namin,nag mamakaawa ako.Hindi kami makabalik sa aming mundo kong hindi namin siya matatagpuan."hayag ko

Isang pag kapit ng Isa pang lalaki ang aming nasaksihan

Nilapitan niya ang pinuno ng grupo,kong ang Pinuno ang may matikas at makisig na panga-ngatawan kabaliktaran niya ang panga-ngatawan ng pinuno.

"Andro,Anong nangyayari?"malumanay na tinig nito

Nabigla ang pinuno ,bakas sa mukha ang pagkagulat

"Bakit ka nandito,bumalik ka sa pack house, delikado dito"
Utos niya sa kaharap

"Hindi ko mapigilan pumunta dito,nabalitaan ko na may nakapasok sa border."

"At hindi ito oras para pumunta ka."

Umiling ang bagong dating

At tumingin sa akin at ngumiti

"Nararamdaman ko na hindi sila mapanganib.Tulungan natin sila"

"Hindi"maikling tugon ng pinuno

"Sige na, kailangan nila ng tulong natin ,hindi ba."

Tumingin ang Pinuno sa amin ,tapos tumingin sa kaharap niyang lalaki.

TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon