Napakabilis ng pangyayari,isang mabilis na pagkilos sa maikling minuto ang naganap.
Nagliwanag ng kulay asul,bago pa man bumagsak ang tubig sa pwesto nina Weeru.
Kasunod ang pagsabog at malaking paglamon ng halimaw na tubig ang tumama sa lupa.
Sa lakas nito ,naukab ang kalapit na mga bato at lupa,nadala ang mga patay na punong kahoy.Kasabay ng agos,nakuha nito ang maraming parte ng lugar.
Habol hininga si Weeru, napatingin siya sa taong may hawak sa kanya.
Buhat buhat siya ng isang ginoo ngayon.Pero ng makita ang pamilyar,napatitig siya rito.Nakatingin na nag tatanong at paano ?
"Mabuti ba ang pakiramdam mo??"
Tanong nito na sinusuri siya"Ikaw...paanong nandito ka?"pahayag ni Weeru na nabigla parin sa pangyayari
Siya ang natawag ni Weeru sa bangin
"Nakita ko kayong wala sa maayos na kalagayan."tugon nito
"Salamat sa iyong pagtulong,pwede mo na akong ibaba."
Sinunod naman agad siya ng lalaki.
Mabilis na siya ay tumingin sa paligid,pero mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanyang pagharap.
"Pinuno!"umiiyak na sigaw nito.
Pamilyar na mabangong Amoy ang kanyang unang na langhap.
Amoy ng isang gubat,na tila ba nadiligan ng ulan."D-Dav...Ikaw ba yan?"
Hindi makapaniwalang bigkas ni WeeruTumingin ito sa kanya mula sa pagkakayuko
Unang napansin niya ang sungay nito sa ulo.
"Opo,ako nga pinuno"malawak ang ngiti nitong nakatingala sa kanya
Naluluha at nanginginig siya sa tuwa,na sa wakas nagkita na sila.
Mahigpit na yumakap siya dito,..
Walang pag sidlan ng saya ang kanyang kaloobanNatanggal ang kanyang balabal sa ulo nakataklob..
"Ikaw na bata ka,hindi mo alam Kong gaano kami nag alala para sayo,bakit ka ba tumawid?huh?,.halos panawan na kami ng kaluluwa sa ginawa mo"sermon niya na hindi naman nakikitaan ng galit sa tono,bagkus puno ng pag aalala.
"Pinunong Davon?!"nagkandadapa na tumakbo papalapit si Swenii
Don na lamang ni Weeru na alala ang mga kasama
Ligtas silang lahat,sinagip sila nina Davon kasama ang misteryong lalaki na nakausap ni Weeru sa bangin .
Napuno ng saya ang paligid nina Weeru,ng maalala niya .
Agad na siyang humarap sa misteryong lalaki.
"Ginoo, labis labis ang nagawa mong tulong para sa amin.
Nahanap mo si Dav at ngayon sinagip mo kami sa kapahamakan."Nakatingin ito sa kanya,pinag mamasdan ng misteryosong lalaki ang mukha ni Weeru.
Sa tanang buhay niya,ngayon lamang siya nakakita ng ganitong ka gandang pagmasdan anyo.Napahawak naman si Weeru sa balabal niyang nalaglag na pala mula sa pagkakatabon sa ulo.
Tinaas niya ang balabal muli,Tumikhim si Weeru at sabay nagsalita muli
"Ginoo?,may dinaramdam ka ba?"tanong ni Weeru napansin niya kasing natigilan ang lalaking kaharap
Napailing ito ,tila bumalik mula sa malalim na isipin
![](https://img.wattpad.com/cover/373984278-288-k154489.jpg)
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...