Changes

60 1 0
                                    

Unti-unting nagkamalay si Aliso,una niyang napansin ang kakaibang tanawin  sa taas.

Ang kahoy na may kakaibang mga ukit sa taas,gawa pa ito sa kulay ginto .
May araw at buwan.

Napakunot pa ang kanyang noo sa makitang larawan.

Nasaan ako????iyon agad ang naiisip niya at napaupo mula sa pagkakahiga.

Palinga-linga siya,ng imigting ang sakit ng kanyang ulo.

Napahawak siya ng mariin,tila binibiyak ang kanyang ulo sa sakit.

Napaugol pa siya kaya nakatawag ito ng pansin  sa taga bantay ng silid mula sa labas ng pinto.

Tumakbo ito papalapit.

"Sa wakas gising ka na,Anong pakiramdam mo?"tanong ng tinig ng isang lalaki

Dahan dahang napatingin naman si Aliso sa nagsalita.

Nakaharap niya ngayon ang Isang lalaki na,nakaputi ng damit.

"Na-nasaan ako??"iyon ang tanong niya

"Nandito ka ngayon sa palasyo namin"
Nakangiting tugon nito

Muling sumakit ang kaniyang ulo.
Pero binaliwala niya ito

"Anong masakit?"tanong ng lalaki

"Ang ulo ko."tugon niya

"Sandali, gagamotin ko"
Nanghawakan ito ng lalaki  sa ulo,nakadama siya ng gaan ng pakiramdam.
Matapos na maging  maayos  ang kanyang pakiramdam

"Sino ka?"tanong ni Aliso

"Eucen ang pangalan ko..Ikaw , pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"malumanay na tanong nito sa kanya

Natigilan si Aliso bigla..

Napahawak sa ulo,..

"Anong pangalan ko??"wala sa sariling tanong nito

blanko,wala siyang maisip .

Natigilan naman si Eucen,..

"Hindi mo maalala ang pangalan mo?"

Inisip niyang mabuti muli,pero tulad kanina blanko ang alala niya.
Tila nawawalan siya ng alala

Lalong nanlumo si Aliso .Bakit ganon?bakit wala siyang alala..Anong nangyari sa kanya??
Iyon ang mga katanungan sa kanyang isipan.

Hahawak pa lamang ang palad ng Eucen kay Aliso ng isang sigaw ng babae at alulong ang kanilang narinig.

Malalakas na yabag .

Dahil bukas na ang pinto ng silid na kinaroroonan nina Aliso,nakapasok ang babae at nagsisisigaw ng malakas.

Tumalon pa ito sa higaan na kama ni Aliso at nagtago sa makapal na kumot na gamit nito

Umaangil na  malaking asong lobong kulay  maitim na kahel ang kasunod  na pumasok sa silid.

Sina Aliso at Eucen ay nakatingin lamang sa nangyayari sa harap dahil sa pagkabigla

"Sa-sandali,kamahalan..Anong ginagawa niyo??Anong nangyayari?"
Pigil ni Eucen na nakatayo na humaharang sa kama ni Aliso

Gumalaw ang mata ni Aliso upang tingnan ang nasa loob ng kumot niya

Isang babae ,nakatago ito habang nakatingin sa kanya.

"Aliso,itago mo ako sa halimaw na iyan"bulong nito sa kanya sapat lamang upang marinig niya

Tumingin siya muli sa asong lobo.
Nakatingin ito sa kanya ,alam niya na masama itong naka tingin sa kanya.


Bumuga ng hangin si Eucen sa inis



TAMER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon