May nag-abot ng pagkain sa harap ni Weeru
Napa-angat ang tingin ni Weeru sa may hawak
"Ikaw pala, Aliso..."napahinga ng malalim si Weeru saka ibinaling ang tingin sa babang bahagi ng kagubatan
Kinuha niya ang prutas na dala nito
"Napapa-isip parin ako sa kakaibang nangyayari dito "dagdag niya
Ang nakasandal na si Aliso sa pader na bato ay umupo sa harap niya
"Hindi lamang Ikaw,pinuno"
Hayag ni Aliso
napatingin siya kay Aliso ng tawagin siyang pinuno nito.
Binilin na niya kasi noon,na huwag na siyang tawaging pinuno kong nandidito sila sa mundong ito,tila nakakalimot parin ito.
Binaliwala na lamang niya iyon
Ilang beses narin nilang napag usapan ang bagay na tungkol sa gubat simula ng dumating sila dito,subalit hindi niya mapigilan na magtanong kong ano nga ba ang misteryong pangyayari ito,Marahil din ay sadyang sanay na siya sa ganitong sitwasyon na sa tuwing may nangangailangan hindi niya matanggihan.Dahil sa kanyang pinaggalingan na mundo ay tagapag alaga siya.
Tinanaw niya ang baba muli..
Sumikat na ang araw,subalit hindi talaga mapasok ng liwanag ang kalooban ng gubat.
"Tungkol sa sinabi ng ating kaibigan.Nais kong tumulong bago tayo lumisan sa lugar na ito."
Napakunot ang noo ni Aliso ng marinig ito
Tinaas niya nag palad na pahayag na huminto si
Weeru
"Anong tinutukoy mo,ang punto mo ba ay yong sinumpang puno?"
Tumango tango si Weeru
Nabigla si Aliso kaya naman ay napa alis ito sa pagkakasandal sa pader
"Ano?!,Akala ko ba mas dapat natin taposin ang misyon?,..ngayon bakit nais mong tayo'y manghimasok sa problema ng iba?"
"Kumalma ka... makinig ka muna ha...pagtulong ang aking gagawin.Hindi ko maatim na may susunod pang mabibiktima ang kagubatan.
Paano kung mapadaan dito si Davon,tapos mapahamak siya.Hindi ko iyon kakayanin.Sisihin ko ang aking sarili sa tyansa na palalampasin kong makasagip ng iba."
Napapailing si Aliso,may punto si Weeru,kaya naman nanatili na lamang siyang tahimik
Naglalaban ang kanyang kalooban sa kagustohan na pabayaan na lamang sana ..
Ngunit tama naman si Weeru
Nadama naman agad ni Weeru ang ipinahihiwatig na pananahimik ni Aliso
"Salamat sa pag intindi .Matatagpuan din natin si Davon at pagkatapos noon babalik na tayo sa ating mundo ,babawi ako sa inyong lahat "sabay ngiti ng malawak
"Hmm"maikling tugon ni Aliso na nag sasang-ayon na lamang
........
Sa kabila ng makapal na hamog ng kagubatan,may matang nakatingin sa kinaroroonan nina Weeru,nakamasid ito at pinag aaralan ang kanilang mga galaw.
Bago ito sa mata niya,at hindi niya maiwasang humanga kong paano ng mga ito nalabanan ang Isa sa mga halimaw dito sa kagubatan.
Maghihintay lamang siya ng tyempong upang makaharap ang mga ito,at sa oras na malapitan niya nga ang mga ito..baka sila na Ang dahilan para mapuksa ang mga halimaw dito.
........
Mabilis tumakbo ang oras,muli sa taas na parte,nakikita ni Weeru ang kakaibang liwanag na asul.
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
