Napaka lalim ng hinukay na lupa pailaim patungo sa puso ng Puno.
Naging mas madali lamang ang lahat,dahil narin sa mga tinawag na tulong ni Quarhie,may mga nilalang na nakita sila,higit sa lahat mga nilalang ito ng ilalim ng lupa,..
Naghukay ito ng naghukay,napahinto lamang silang lahat ng nasa harap na nila ang batong nakapalibot sa ugat.
Tunay ngang makapal at matibay ito tulad ng binanggit ni QuarhieSinubukang gamitan ito ng sandatang pangkaraniwang dala ni Quarhie upang ipakita kina Weeru ang ibig niyang sabihin.
Pero ng pinatamaan niya,nagliwanag ang bato at binalik lamang ang pwersa katumbas ng pag atakeng binigay ni Quarhie.
Nabitawan pa niya ang kanyang sandata.
Tila nahigop din ang kanyang lakas kong hindi niya binitawan ang sandata, siguradong uubosin nito ang buo niyang lakas .
"Ayos ka lamang ba?"agad na paglapit ni Weeru
Tumango ito bilang tugon
"Mag-ingat kayo"
Bilin nito kay Weeru"Gagawin namin"sagot ni Weeru at hinanda narin ang kanyang sandata
"Pakiusap,lumayo kayo..kami na ang bahala dito"dagdag pa ni Weeru
Si Aida ay lumapit kay Quarhie, tinulungan tumayo mula sa pagkakaupo.
Dapat na silang lumayo,kulong ang espasyo ng ilalim ng kanilang hinukay,kaya naman siguradong magkakaron ng pagguho sa gagawin nina WeeruNais man tumulong ni Quarhie sa gagawin nina Weeru,subalit wala siyang sapat na lakas na upang tumulong.
Nag patianod na lamang din siya sa pag akay ni Aida.
Umalis silang lahat bukod sa grupo ni Weeru.
Si Dalio ay nag paiwan din sa tabi nila,ng sa ganon siya ang magiging sangga at proteksyon ni Weeru."Aliso Pov"
Ako ang unang umatake,sa unang pagtama ng aking espada sa bato, naramdaman ko ang malakas na pwersa.Nilalabanan niya at itinataboy ang aking sandata
Mas nilagyan ko pa ng karagdagang lakas ang aking pag atake,nasira ang proteksyon parang salamin na may nabasag.
Natamaan narin ang batong pinupuntirya ko.nag dulot ito ng pagkakaroon ng bitak,muling inatake ko ito at nagtagumpay na masira ko ang bato.
Isa isang bumagsak ang harang na bato,tila nagkaroon ng malaking Isa pang lagusan.
Lumapit sina Rad sa lagusan.
"Mag ingat ang lahat,hindi pa dyan natatapos ang panganib, manatili alerto."Weeru na nakasakay ngayon sa usa na dala dala ni Davon.
Makalabas na ang kanyang sandatang baston,na nag papalit anyo kong ano mang naisin ng ginagamit na may hawak nito.Madilim ang loob ng lugar,kaya nagbigay liwanag si Davon.
Ng papasok na kami,biglang nagkaron ng sobrang liwanag na kumikinang.
Napa atras pa ako sa pagkasilaw.
Direktang kumislap sa aming pwesto."Ang bato,nasa harap na natin"Tinig ni Davon
Ng minulat ko na ang aking mga mata,Nakita ko agad ang sinasabing puso.
Apat na hiyas ay nasa bawat sulok ng lagusan ,at sa gitna mas may makinang mas malaki pa sa apat na hiyas.
Mas higit pa ang laki sa laki ng isang katawan ng taoNakakonekta din ito sa bawat ugat tulad ng sabi ng estranghero na tumutulong sa amin.
"Sandali,huwag muna kayong kikilos"bilin ni Weeru

BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...