PAGUWI ko ng bahay, mabuti't at tuyo na ang yong damit ko, tinawag ko si mama.
"Ma! Nakauwi na po ako." Pagtawag ko.
Nang marinig ako ni mama, lumabas ito mula sa kusina at may dalang mga pinggan.
"Sakto pala e, ang paguwi mo nak." Ani mama.
Pagtingin ko sa lamesa, nakita ko na nagluto si mama ng paborito kong pagkain, ginataang alimasag na may sitaw at kalabasa.
Napangiti ako at biniro si mama. "Ma, kaya ako tumataba eh, grabe ka mag-alaga, nakakataba raw ang sobrang pagmamahal mo."
Napatawa si mama at sinabing. "O siya, anak, mas mabuti nang tumaba dahil sa pagmamahal kaysa pumayat dahil sa gutom."
Tinulungan ko na siya mag-ayos ng mga kaldero sa lamesa.
"Ma, nasaan pala sina kuya Yohane at kuya Yoshito?"
Sumagot si mama."Nasa itaas, natutulog. Galing kasi sa trabaho, maaga silang nakauwi."
Napatingin ako sa orasan at napansin kong makalipas lang ang ilang oras mula nang umalis ako ng bahay upang mag enroll.
"Pababain ko na sila para makakain na tayo ng tanghalian." Saad ko, tumango si mama at nagpatuloy sa pag-aayos ng pagkain.
I climbed the stairs and knocked on the door of my brothers' room.
"Kuya Yoshito, kuya Yohane, wake up, let's have tanghalian." I called out.
I heard slow footsteps and the door opened. "What time is it?" Kuya Yohane said hoarsely while scratching his head.
"Halos tanghali na, Kuya. Tara na, paborito nating ginataang alimasag na may sitaw at kalabasa." Mabilis na sagot ko at tumakbo.
Nagkatinginan ang sina Yohane at sabay na tumayo mula sa kanilang kama.
Bumaba kaming tatlo at sumalo sa inihandang pagkain ni mama.
Pagdating sa kusina, masiglang bumungad si mama na nakaupo sa hapag.
"Aba, mukhang gutom na gutom na kayo ah." Sabi ni mama habang nagsasandok.
Mainit-init pa ang ginataang alimasag na may sitaw at kalabasa, at ang bango nito'y nagpatakam lalo sa amin nina kuya.
Nagmamadali at nag-aagawan kami sa alimasag. Halos magkabanggaan na ang aming mga kubyertos sa pagkuha ng pinakapaborito naming ulam.
Si mama ay natatawa na lamang dahil sanay na siya sa ganitong eksena namin tuwing may espesyal na pagkain sa mesa.
"Hoy, dahan-dahan lang. Marami pa 'yan." Saad ni mama habang pinagmamasdan kami.
Hindi rin mawawala ang pang-aasar ni kuya Yoshito sa akin.
"Wag ka nang kumain ng alimasag, Yen. Mas mabuti pa, maggulay ka na lang dahil mataba ka na." Biro niya habang iniabot ang plato ng kalabasa at sitaw sakin.
Napasimangot naman ako at tinapunan ng masamang tingin si kuya. "Ikaw talaga, Kuya. Di bale, mas mataba ka pa rin sa akin." Belat ko na may halong tawa.
Yoshito, the older brother, is a tease among the three of us, and he is not fat because his body has muscles like stone since he occasionally works out at the gym with Yohane.
On the other hand, Yohane is the opposite of Yoshito; he is very serious and quiet among the three of us. Our mother says he inherited this trait from our father. He rarely laughs but seems indifferent to the world when interacting with other people.
Inabotan pa ako ni mama ng alimasag.
"Salamat po, Mama, Ang sarap naman." Sambit ko at sumubo pa.
May umubo na pabiro. "Teka lang, bakit parang ikaw lang lagi ang sinasandokan ni Mama? Parang ikaw lang ang anak dito." Singit ni kuya Shito sabay tawa nito.
YOU ARE READING
Wealthy Desires (Radiant Stars Series #1)
RomanceThere is a woman named Yesenia Lou Ortiz who is beautiful but overweight. Since she was young, she has been bullied, and even when she reached high school, the bullying continued. When she became a senior in high school, not only was she bullied at...