Kabanata 24

29 9 2
                                    

PAGDATING namin sa parking lot, pinatunog ko ang remote para buksan ang backseat ng kotse. Dahan-dahan kong siyang hiniga doon at tinumba ang upuan para maging kama.

Sinarado ko na ang pinto, iikot na sana ako sa driver seat ng makakita akong babae na nakayuko sa gilid ng mga kotse.

She is crying, so I want to approach her, kaso baka multo ito.

Pero eme, wala naman tayo sa horror movie.

Nilapitan ko siya at nakita ko ang malaking bag sa tabi niya. Tinignan ko siya ng naga-alangan at tinanong.

"Miss, are you okay? Why are you crying?"

Umangat ang ulo niya at nagulat ako sa nakita ko. Isa siyang magandang babae. Mukang lahi at pinay? pamilyar ang mukha niya pero di ko maalala kung saan ko siya nakita.

"Why are you here in the restaurant's parking lot? Uh, do you know how to speak Tagalog?" I asked, curious and concerned.

"Huh? yes, I don't have anywhere to stay." She weakly replied, still crying. "I left home and now I have nowhere to go."

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may humatak sa akin na tulungan siya.

"Gusto mo ba sumama muna sa akin? Pwede ka munang tumuloy sa bahay namin." Alok ko, kahit medyo naguguluhan pa rin sa nararamdaman ko.

Nagulat siya at tila nagdadalawang-isip, pero sa huli ay pumayag din. "Salamat, sobrang laking tulong nito." Sabi niya habang pinupunasan ang luha.

Tinulungan ko siyang ipasok ang bag niya sa trunk at pinapasok ko siya sa passenger seat.

Habang papasok siya, napatingin siya sa rearview mirror at nakita ang anak kong tulog sa likod ng kotse.

Napangiti siya ng malaki, na tila may naalala. "Bakit ka napangiti?" Takang tanong ko, curious.

"Anak mo siya nasa restaurant kanina? Siya yung nag-alok sa akin ng cookies. Napasaya niya ako kahit papaano, at naalala ko na may mabubuting tao pa rin sa mundo."

Napangiti rin ako at tinignan ang anak kong tulog na tulog. "Oo, siya nga. Mabait na bata yan." Sabi ko habang pinapaandar ang kotse.

Siya pala, ang kine kwento sakin ni Yael.

Habang nasa biyahe kami, nagkwentuhan kami ng kaunti para mawala ang tensyon.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

" Celeste." Aniya. "Ikaw?"

"Ako si Yen." Sabi ko. "Bakit ka nga pala lumayas?"

Nagbuntong-hininga siya. "Matagal na akong may problema sa pamilya ko. Hindi na kami nagkakasundo, kaya naisipan kong umalis muna. Kaso, hindi ko naisip kung saan ako pupunta."

"Pasensya ka na kung nagtatanong ako, ha." Saad ko. "Gusto ko lang malaman para matulungan kita ng maayos."

"Okay lang." sambit niya, medyo ngumiti. "Salamat din kasi kahit papaano, ngayon may pupuntahan ako."

Pagdating namin sa bahay, tinulungan ko siyang ipasok ang bag niya, at binuhat na si Yael.

Pinapasok ko siya at pinakilala kay tita Lara.

"Ta, si Celeste po . Siya po yung nakita ko sa parking ng restaurant. Wala siyang matutuluyan ngayon kaya inimbita ko muna siyang tumuloy dito."

Nagulat siya pero ngumiti ito at sinabing. "Ay ku welcome ka dito, Celeste . Magpahinga ka muna, mukhang pagod ka."

"Salamat po." Sabi ni Celeste , medyo nahihiya pero halata ang pasasalamat sa mukha niya.

Habang nag-aayos ako sa kusina, narinig kong nag-uusap si Celeste at tita Lara sa sala.

Wealthy Desires (Radiant Stars Series #1)Where stories live. Discover now