Kabanata 16

26 11 0
                                    

"GRABE, Lisa, ang hirap ng araw na 'to." Reklamo ko habang pinupunas ko ang pawis sa aking noo.

"Oo nga, pero at least tapos na." Ani ni Lisa, sabay ngiti. "Konting tiis nalang, makakagraduate din tayo."

Sumang-ayon si Maverick, "Tama si Lisa. At least marami tayong natutunan."

Natapos na ang ojt, alas singko na.

Nagpaalam na ko kila Lisa at Maverick, lagi yan sila magkasabay kahit magkaiba ang ruta.

"Bye guys, ingat kayo ha." Paalam ko habang kumakaway sa kanila.

"Ikaw din, Yenesia!" ani ni Lisa habang nakahawak sa braso ni Maverick. "Text mo kami pag nakauwi ka na."

Nakangisi akong kumaway sa dalawa, naglakad ako papuntang jeep station nang may humintong kotse sa harap ko.

Hawak epek pa sa braso.

Kumunot ang noo ko. "Kay Grant 'to, huh?" Bulong ko sa sarili ko.

Bumaba ang salamin ng kotse, si Grant nga na nakangisi.

"Sakay na po, sabay ka na sakin." Bungad niya habang inaabot ang pinto.

Nagulat ako pero sumakay na rin dahil pinagtitinginan na rin ako ng mga tao. Ay si Grant pala.

Assuming.

"Are you tired today?" He asked while the car was moving.

"Oo sobra, pero okay lang, part talaga ng training." Saad ko, sabay buntong-hininga.

"That's right, just a little patience. I was like that too before, hardly sleeping during my internship." He said, with a hint of nostalgia in his voice.

"Really? Well, you seem okay now, a successful billionaire." I replied.

"Of course, but it wasn't easy. You really have to persevere." He said, smiling.

True.

"Wait, do you want to have a merienda first?" He suddenly asked while driving.

"Hmm, sige. Saan ba?" Ani ko, sabay tingin sa kanya.

"May alam akong magandang lugar diyan." Sabi niya habang sinisingit ang kotse sa traffic. "Sagot ko na po."

"Hehe, thank you ha." Sambit ko, sabay baling ng tingin sa labas ng bintana.

"Para sayo, bebe Lou" Aniya na may kasamang kindat. Napangiti ako. Ang kulit talaga ng isang 'to.

Makalipas ang ilang minuto, dumating kami sa isang maliit pero cozy na café. Puno ito ng mga tao pero mukhang chill naman ang atmosphere.

Pumasok kami at agad na umupo sa isang mesa sa sulok.

"Ano gusto mong orderin?" Tanong niya habang binabasa ang menu.

"Hmm, siguro isang slice ng chocolate cake at iced coffee. Ikaw?" Tanong ko naman.

"Same na rin, pero hot coffee sa akin." Wika niya. Tumawag siya ng waiter at nag-order na kami.

Habang hinihintay ang order namin, nagkukulitan kami.

"Alam mo, matagal na kitang kilala, pero bakit parang mas lalo kang gumaganda?" Biro niya.

"Naku, bolero ka talaga. E ikaw nga, kahit anong gawin mo, di ka rin naman papangit." Laban ko na may halong tawa.

"Salamat sa compliment, bagay talaga tayo as mag asawa." Biro pero seryoso ang mukha.

Napairap ako, pero sa loob-loob ko, kinikilig ako. "Ano ba, magmerienda muna tayo, saka na yang mga ganyang usapan." Sabi ko sabay tawa.

Dumating na ang order namin at nagsimula kaming kumain. Ang sarap ng chocolate cake, tamang-tama ang tamis.

Wealthy Desires (Radiant Stars Series #1)Where stories live. Discover now