AN UNEXPECTED incident occurred. A customer is complaining that there was a cockroach in the cookies made by Dolores.
Dolores is the one who always makes the cookies, and Chef Damian called me to face that customer.
"Is this true? Is there a cockroach in our cookies? "The customer asked angrily while pointing at the cookies on the plate.
"We did not expect such an incident. I apologize, I will just replace your order." I calmly replied while trying to show professionalism.
Si Dolores ay hindi makagalaw sa kinatatayuan niya, naisip ko na baka mas lalo lang siyang kabahan kung siya ang haharap.
Kaya ako na ang sumagot sa customer.
Nang matapos ang insidente, pinalitan ko ang cookies at biglang martsa na umalis ang customer.
Baliw.
Bumalik na ako sa kusina, baka masunog pa ang beef steak na niluluto ko. Inalis ko na ito sa apoy, hiniwa at nilagay sa plato.
"Nasa mini room pala si Dolores." Bulong ko sa sarili. "Ako na nga ang magdadala."
Habang bitbit ang plato, nakita ko si Kahel at inutusan ko siyang, siya na magdala sa table 27. Bumalik na ako sa kusina at nagmamadali nang biglang bumangga ako.
Nyemas, bat may pader?
Akala ko pader, pero hindi, isang matigas na dibdib. Nang tumingala ako, namilog ang mga mata ko kung sino nabangga ko.
Si Grant, di ko akalain na siya ang nakabangga ko.
Anak ng!
Napaawang ang labi ko, pinag masdan ko siya, lumaki ang pagbabago niya. Lumaki lalo ang katawan, lalo na ang biceps niya.
Pa- headlock po.
Charot, may kasalanan pa to sakin.
"Maybe you're undressing me with your staring." Aniya at ngumisi siya na parang nanunukso.
Tumikhim ako at tinarayan siya, sabay binangga siya sa balikat at bumalik sa kusina.
Bwesit, ngisi ngisi pa.
Pero aray, nanakit ata balikat ko. Ang tigas ng katawan niya.
"Salamat naman at tapos na ako magluto, at break time ko na." Sabi ko sa sarili habang naglalakad papunta sa mini room namin.
Naupo ako sa isang upuan at nagbukas ng tubig para lang magpahinga.
Biglang sumilip ang ulo ni Kahel sa pinto, at sa gulat ko, binato ko siya ng bote na may laman na tubig.
Bwesit.
"Ay! Ano ba 'yan, hinay-hinay lang!" sabi niya habang hinimas niya ang ulo niya.
"Pinapatawag ka ng isang customer na nagrereklamo." dagdag niya.
Luh?
"Kainis! Nagreklamo na naman?" Inis kong wika habang tumayo mula sa upuan.
Lumabas ako ng mini room at hinanap ang customer.
"Saan?" Tanong ko sa kanya.
"Teka, sa table 13." Turo niya.
Nakita kong nakatalikod ang customer, kaya naglakad ako papunta sa kanya na may professional na aura. Nang lumingon siya at nakita ko kung sino, parang gusto ko siyang buhusan ng mainit na kumukulong tubig.
"Ikaw na naman." Taas kilay na sabi ko.
"Excuse me." Baritonong boses niya at tinuro niya ang Chicken Fried Steak.

YOU ARE READING
Wealthy Desires (Radiant Stars Series :1)
Romance[ Completed ] There is a woman named Yesenia Lou Ortiz who is beautiful but overweight. Since she was young, she has been bullied, and even when she reached high school, the bullying continued. When she became a senior in high school, not only was s...