HUMINTO kami sa tapat ng bahay namin, hinatid na ako ni Darcy dahil may dala naman itong kotse. Bumaba ako sa kotse ni Darcy at nagpasalamat.
"Bro, salamat sa ice cream tapos hinatid mo pa 'ko." Ngiting saad ko.
Ngumiti siya at sumagot. "Welcome, bes. Sa susunod ulit. Sabihin mo pala kay kuya Yoshito at Yohane hello."
"Sige, makakarating." Sabi ko, matapos magpaalam, tinignan ko ang papalayong kotse ni Darcy.
At nang papasok na ako sa aming bahay, biglang may nagsalita mula sa likod ko.
Tatlong bata ang lumapit at tinanong ako.
"Ate Yentabs, boyfriend mo 'yun?" Marites nito, natatawa nalang ako kapag 'yentabs' ang tawag sa akin si kuya Yoshito kasi ang pasimuno.
Chismoso talaga ang mga bata, tss.
"Hindi, tonton. Kaibigan ko lang si Darcy. Kaibigan ko siya since high school."
Ngunit hindi pa rin tumigil ang mga bata sa kanilang pagtatanong. "Eh, bakit kayo magkasama? Bakit ka niya sinundo?" Marites ng isang bata na si Irie.
Mahina akong natawa at sinubukang ipaliwanag. "Kasi mabait siya at nagkataon na may kotse siya ngayon. Hindi naman kailangan maging boyfriend-girlfriend para maghatid-sundo, di ba?"
Nagkatinginan ang tatlong bata at tila nag-iisip. Napansin ko na parang hindi pa rin kumbinsido ang mga ito. Kaya't nagdagdag ako.
"Alam niyo, importante ang pagkakaibigan. Masaya ako na may kaibigan akong gaya ni Darcy. At balang araw, magkakaroon din kayo ng mga kaibigang ganyan, 'yung handang tumulong kahit walang kapalit."
Tila napaisip ang mga bata sa sinabi ko. "Ah, ganoon ba, ate? Sige, salamat po!" Saad ng isang bata na si Renren.
Sabay-sabay silang nagpaalam at tumakbo na papalayo para maglaro.
Pumasok na ako sa bahay, dala ang ngiti sa labi. Lalo't na nakatikim na naman ako ng ice cream.
--
Our class of students BHM - A gathered in the culinary lab. The scents of fresh ingredients and cooked dishes surrounded the room, urging everyone to showcase our cooking skills.
I focused on the dish I was preparing. Since the class started, I had become the center of attention—not just because of my talent.
I noticed glances from my classmates.
Ang ilan ay may pagdududa sakin at inggitan, habang ang iba naman ay tila nahuhumaling sa papuri na ibinibigay ng aming professor.
"Ms. Ortiz, your presentation is very nice. And the taste is really delicious." Said the professor while tasting the food I cooked.
These words seem to emphasize my talent and effort.
Ngunit hindi maikakaila na may ilan sa akin sa mga kaklase na hindi natuwa. Habang ako ay pinupuri, narinig ko ang mga bulungan at irap mula sa ibang grupo.
Napairap ako sa kawalan. "Kung nag-aaral rin sila ng mabuti, edi sana may isasagot sila para puriin sila." Mahina kong ani.
Alam kong hindi madali para sa kanila na tanggapin na ako ay umangat mula sa kanilang bullying.
Matagal nang naging biktima ako ng pambubully. Sa loob ng ilang taon, naranasan kong maging target ng pang-aasar at pangungutya mula sa aking mga kaklase.
Ngunit ngayon, nasa huling taon na ako sa kolehiyo at nagdesisyon akong itigil na ang siklo ng pambubully.
Bakit pa ako magpapabully? Magtatapos na ako.
Kaya't kahit gaano pa man kahirap para sa akin, pinili kong maging mabait at mag-focus lamang sa aking pag-aaral.
Maya-maya pa'y muling tinikman ng professor ang nilutong pagkain ko at muling pumuri.
"Indeed, it is very good. This is so delicious" The professor exclaimed.
At that moment, I noticed how the other students' perceptions of my changed.
Ang ilan ay tila nahihiya habang tinitingnan ako marahil ay napagtanto nila na hindi lang basta-basta ako, ako rin ay may kakayahan at talento.
"Kung kaya ko itong gawin." Isip-isip ko habang pinagmamasdan ang aking nilutong pagkain. "Kaya rin nila."
Natapos na ang culinary subject at nagsimula kaming magligpit.
Sa mga kaklase ko, halatang dismaya ang nararamdaman ng ilan sa kanila. May mga nakakuha ng 3 o 2.75 sa kanilang presentation, at ito ay dahil hindi nila sinunod ang tamang timpla at wala man lang sa puso ang kanilang pagluluto.
Abala ako sa pag-aayos ng aking mga gamit, pumasok naman ang mga magagandang kaibigan ko, bagamat wala silang professor sa kanilang klase, nagpasya silang sumilip sa akin dito, upang makita kung ano ang nangyari sa presentation ko.
Agad na dumapo ang tingin ni Acacia sa Tupperware na hawak ko.
"Wow, anong niluto mo?" Tanong nito.
"Niluto ko 'to para sa presentation namin." Saad ko habang nag-aayos ng mga kagamitan. "Kailangan kasi naming ipakita kung paano namin maipapahayag ang aming natutunan."
"Ang ganda naman, mukhang masarap." Ani ni Lizzie habang tinitingnan ang laman ng Tupperware.
"Sana all, ikaw talaga, Yen. Palagi kang may masasarap niluluto." Puri ni Acacia.
Si Sera naman ay nakatingin din sa pagkain ngunit tila may iniisip. "Alam mo ba, Yen. Napaka-importante talaga ng tamang timpla at pagmamahal kapag nagluluto ka. Sabi nito. "Hindi lang ito basta-basta pagkain, ito ay isang sining."
"Dapat tayong mag dinner, sa bahay nila Yen." mungkahi ni Acacia sabay tawa. "Para matikman ulit ang luto ni tita."
"Magandang ideya 'yan." Sang ayon ni Lizzie habang tumango-tango.
"Pwede ba sa inyo, Yen?" Tanong ni Sera.
Ngumuso muna ako. "Kailan ba hindi?"
Napatawa ang tatlo, at tinulungan na ako magdala, hindi na kasya sa paper bag e.
YOU ARE READING
Wealthy Desires (Radiant Stars Series #1)
Roman d'amourThere is a woman named Yesenia Lou Ortiz who is beautiful but overweight. Since she was young, she has been bullied, and even when she reached high school, the bullying continued. When she became a senior in high school, not only was she bullied at...