Kabanata 27

27 7 2
                                    

WE ARE seriously cooking now with chefs who each have their own dishes. I looked at the list of things I need to cook. The next dish I will cook is.

Chicken fried steak

BBQ ribs

Buffalo wings

Macaroni and cheese

Clam chowder

Fried chicken

I called Kahel, who is the waiter now.

"Hoy, kunin mo na 'to habang mainit pa." Utos ko na may asar na tono.

Ayaw niya talaga yan e.

Pagod na pagod na agad ang itsura niya.

Pinaka ayaw niyang position dito sa Mamma Mia's Kitchen ay ang maging waiter, lalo na kapag ang customers ay taga-India o Russia, nahihirapan siyang makipag-usap.

At si Dolores ay nasa cashier.

"Chef, pwede bang mag-break muna ako? Sobrang busy ngayon eh." Pakiusap ni Kahel habang pinupunasan ang pawis sa noo.

"Kahel, alam mo namang hindi pwede, pagagalitan tayo ni Chef Damian. Kailangan mong magtiis. Pagkatapos ng rush hour, makakapag-break ka na." Saad ko habang patuloy na hinahaluan ang chowder.

"Pero Chef, parang hindi ko na kaya. Sobrang dami ng orders." Reklamo niya.

"Naku Kahel, lahat tayo pagod. Ako nga eto, sunod-sunod ang lutuan, kami ng mga chef. Kaya mo 'yan, konting tiis na lang." Sabi ko, sabay abot ng tray ng chicken fried steak.

"Okay, Chef. Susubukan ko." Sagot niya, pilit na ngumiti at kinuha ang tray na binigay ko at inabutan pa siya ni Chef Niccola.

Habang busy ako sa BBQ ribs, lumapit si Dolores mula sa bintana.

"Chef, may reklamo yung table seven. Sabi nila, matabang daw yung clam chowder natin." Sumbong ni Dolores.

Huh?

"Baka naman hindi lang nila alam ang lasa ng tunay na clam chowder." Sungit ko na may halong inis.

"Eh Chef, foreigner kasi yung mga yun. Baka gusto nila ng mas maalat." Paliwanag ni Dolores.

"Sige, dagdagan ko ng konting asin. Pero sabihin mo sa kanila, original recipe 'to." Sambit ko at mabilis na naghulog ng asin sa chowder.

Pagbalik ni Kahel, dala ang mga tray na walang laman. Halatang pagod na pagod na siya.

Kawawa naman talaga ang kahel namin.

"Chef, eto na yung tray. Ano sunod?" Tanong niya.

"Buffalo wings na. Bilisan mo, kailangan nila ng extra spicy. Yung table four, mahilig sa maanghang." Sabi ko habang inaayos ang sauce.

"Chef, parang hindi ko na kaya. Pwede bang si Dolores na muna ang mag-waiter?" Pagbabasakali niya.

"Naku Kahel, si Dolores naman ang busy sa cashier. Kailangan mo talagang magtiis. Eto na, dalhin mo na 'to." Ika ko habang inaabot ang tray ng buffalo wings.

Hindi talaga kami pwede mag palit, at ayon ang mga binigay na position ni Chef Damian.

Hinila ni Kahel ang tray at dahan-dahang naglakad patungo sa table four. Habang naglalakad siya, lumapit si Dolores.

"Chef, mukhang hindi na kaya ni Kahel. Baka pwede na siyang mag-break kahit sandali lang." Aniya.

Crush mo lang e, kaya nag aalala ka.

"Alam ko Dolores, pero kailangan natin sundin yung batas dito. Konting tiis na lang, matatapos din tayo." Wika ko habang nagsisimulang magluto ng macaroni and cheese.

Wealthy Desires (Radiant Stars Series #1)Where stories live. Discover now