Chapter Three

129 15 20
                                    

Gavin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin's POV.

Welcome to hell!

Wala akong maintindihan kahit isa sa mga diniscuss ng prof namin. Wala akong matandaan sa itinuro ng prof namin sa BioChem. Feeling ko lahat ng naririnig ko ay lumalabas lang din sa kabilang tenga ko. Ang hirap mag-memorize. Walang pumapasok sa utak ko!

Wala naman akong choice at wala din naman akong karapatan para magreklamo dahil desisyon ko 'to at pinili ko ang course na 'to. Nakakaiyak nalang talaga!

Bakit nga ba kasi ako nagnursing?

Kung hindi lang talaga nursing ang pinili kong course, siguro ay wala ako sa impyerno araw-araw. Siguro ay maganda ang peace of mind ko and for sure kumpleto ko pa ang walong oras ko na tulog. Wala din siguro akong malalaking eye bags ngayon. Feeling ko nga din ay may anemia na ako kakapuyat. Miss ko na ang sleeping routine ko!

Ilang araw na nga din pala ang nakakalipas simula noong nagsimula ang klase. As usual, first week palang ay tambak na agad kami ng sandamakmak na quizzes at activities. Samahan mo pa ng halos araw-araw na recitation. Napapagod na ako!

Masasabi kong ibang-iba talaga ang buhay ng isang kolehiyo kumpara noong highschool pa ako. Kung dati ay chill ka lang at nakaasa lang sa stock of knowledge para sa mga quizzes. Ngayon ay wala ka na talagang mahahanap na stock of knowledge dahil pigang-piga na talaga ang utak mo.

Kakayanin ko ba 'to?

S'yempre wala naman akong choice kundi kayanin. Nandito na ako at kailangan kong tapusin ang mga nasimulan ko. Alam ko namang hindi ako pababayaan ni Lord.

"Class dismissed"

Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa pagod. Ang sakit ng ulo ko. Parang feeling ko anytime sasabog ang utak ko. Ramdam ko din yung kulo ng t'yan ko. Hindi pa din talaga ako sanay sa 3 hours straight na class sa isang subject. Kahit sabihin mong nakaupo ka lang at nakikinig sa lecture, makakaramdam ka talaga ng pagod.

Ang sakit ng katawan ko. Feeling ko ako pa yung mauunang maging pasyente kaysa maging nurse e. Nakakahilo!

Lumabas na nga ako ng room para pumuntang library kahit na hilong-hilo na ako sa pagod at sa antok. Magkakaroon na naman kasi kami ng long quiz sa Anatomy and Physiology ngayong darating na friday. Kahit na tinatamad ako, ayaw ko namang bumagsak dun 'no!

Wala masyadong students sa labas ngayon, iba-iba kasi oras ng klase namin. Mabuti na din 'yon para hindi hassle. Nakikita ko nga din pala yung iba kong kaklase na dumidiretso sa cafeteria habang yung iba ay nakatambay lang sa garden area ng school, may mga upuan kasi do'n.

May mga nakakasalubong din akong ilan sa kanila maglakad. Hindi naman ako tumitingin sa kanila dahil nahihiya ako at hindi naman ako sanay makipag-usap sa iba.

Pumasok na ako sa loob ng library at hinanap agad kung saan nakapwesto ang mga libro para sa subject na 'yun. As usual, sa dulo pa talaga siya nakalagay. After ko makuha, agad din naman akong umupo para makapagsimula nang magbasa.

I Wrote Something About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon