Chapter Two

153 15 5
                                    

Gavin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin.

Usually sa mga horror or thriller movies, everytime they feel na may someone na sumusunod sa kanila tapos may biglang kumulbit, lilingon pa talaga sila. Parang ako lang, shunga talaga!

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, pigil na pigil ang paghinga ko. Nanginginig ako sa takot. Ang lakas ng tibok ng puso ko parang anytime mahihimatay ako sa kinatatayuan ko.

Kahit na natatakot talaga ako at controlled na ako ni Fear. Napahinga ako ng malalim at nilakasan ang loob ko na lumingon. Bahala na po kayo Lord! Sa heaven naman ako mapupunta kapag namatay ako ‘di ba?

Unti-unti akong lumingon sa likuran ko dahil curious din naman ako kung sino 'yun. Kaya ko pa naman tumakbo ng mabilis, huwag nga lang sana madapa.

"Ahhhhhhhhh!"

Hindi ko napigilang mapasigaw dahil sa gulat. Feeling ko tuloy rinig na rinig ang sigaw ko hanggang sa kabilang kalsada. Hinampas ko siya sa braso.

"Ang oa mo naman. Nagulat ka talaga sa'kin?" natatawang tanong ni Javi.

Naiinis ako sa reaksyon niya dahil parang natutuwa pa siya sa ginawa niya. Halos mahimatay nga ako sa kaba dahil akala ko kung sino na yung sumusunod sa'kin. Akala ko katapusan ko na.

"Funny mo ha? Pwede ka naman magsalita para tawagin ako, hindi yung pakakabahin mo pa ako. Akala ko may magnanakaw o multo na sumusunod sa'kin." reklamo ko sa kanya.

“Sa gwapo kong ‘to, pagkakamalan mo akong multo?” taas-noo niyang sambit.

Tatalikuran ko na sana siya dahil gusto na rin talagang makauwi nang may bigla akong ma-realize. Hindi naman siguro?

"Teka nga.” saad ko at humarap sa kanya. “Sinusundan mo ba ako?" taas-kilay kong tanong sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya at tumawa nang malakas. Tinuro-turo niya pa ang sarili niya na parang nagtataka kung siya ba yung tinutukoy ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang pinipilit niyang hindi matawa dahil sa sinabi ko. Tatalikuran ko na nga lang sana siya nang bigla nalang siyang naging seryoso.

"Don't be so delusional. Hindi ba pwedeng dito lang din yung daan ko pauwi? Ikaw lang ba pwedeng dumaan dito?" sarcastic niyang sagot.

I Wrote Something About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon