Gavin's POV.
Ilang araw na ang nakakalipas simula nung nangyari ang nurses week sa school namin. As usual, back to normal na naman ang buhay naming lahat. Tambak na tambak pa din sa gawain at sandamakmak na quizzes. Hindi na naubos ang mga activities, pasensya nalang talaga nauubos sa'kin pati pera.
Until now, hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari last week. Nanalo kami ni Piper sa poster making at nanalo din ang grupo nila Javi sa quiz bee tapos unexpectedly din na naging Mr. Nursing 2024 pa siya sa school namin.
Ang saya!
Nakakapagod at gusto ko nang umuwi ng bahay dahil isang morning class lang kasi ang schedule ko ngayong araw. Pero nakita ko si Javi na nagmamadaling maglakad palabas ng school. Kaya cancel ang uwi ko. Binilisan ko naman ang lakad ko para maabutan ko siya.
"Javi!" sigaw ko.
Napalingon naman siya sa'kin at kinawayan ko siya. Tumakbo ako papalapit sa kanya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Saan ka punta?" tanong ko.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin. Pansin ko na seryoso ang facial expression niya at mukhang wala siya sa mood.
"Nasa hospital lola ko, pupunta ako ngayon doon" paliwanag niya, "Sama ka?"
Tumango lang ako bilang sagot at dali-dali na kaming naglakad papunta sa hospital. Katabi lang kasi ng school namin ang hospital. Isa din 'yun sa hospital na accredited para sa on the job training para sa mga nursing students. Binabalak ko nga din in the future kapag registered nurse na ako ay maga-apply ako do'n dahil maganda ang mga facilities nila.
Gusto ko nga sana siya tanungin kung anong nangyari kaso mas mabuting pumunta nalang muna kami agad doon.
Pagpasok nga namin sa loob ng hospital ay pumunta kami sa nursing station para itanong kung anong room naka-confine ang lola niya. Sabi naman ng nurse ay wala daw doon ang pangalan ng lola niya dahilan para magtaka kami.
"Sure ka bang nandito ang lola mo?" tanong ko.
Tumango lang siya habang nakatingin pa din sa cellphone niya. Sinubukan nga niyang tawagan ito pero hindi ito sumasagot. Hindi ko naman din maiwasang hindi mag-alala dahil sa nangyayari. Nasaan kaya ang lola niya?
Wala naman sanang nangyaring masama sa lola niya.
Lumingon-lingon nga ako sa paligid at napansin kong may matandang palinga-linga din sa paligid. Nagkatinginan kami at naglakad siya papunta sa'min. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko dahilan para magulat ako.
"Javi, apo. Bakit parang lumiit ka ata? Naiwan mo 'tong wallet mo sa bahay. Hindi ba't ojt n'yo ngayon? Lumiban ka ba sa trabaho n'yo?" tanong niya sa'kin.
Ha? Ano pong sinasabi n'yo?
Napatingin naman sa'ming dalawa si Javi at tumingin sa babaeng matanda. Marahan naman siyang natawa at napailing-iling.
BINABASA MO ANG
I Wrote Something About You
RomanceNagsimula lang naman ang lahat ng problema at challenges ni Gavin nang pasukin niya ang medical course na nursing. Sa kanyang panibagong journey ay makikilala niya si Javi, ang cute at knight in shining armor guy na handang tulungan si Gavin sa kahi...