Gavin.
Five years ago...
Ilang araw ang nakakalipas simula nang umuwi si Papa galing sa abroad. Ibang-iba talaga ang feeling na nandito siya at kasama namin sa bahay. Hindi ako sanay na nandito si Papa kasama namin ni Mama. Mas komportable ako na si Mama lang ang nakakasama ko rito sa bahay.
Noong muli ko siyang nakita sa airport ay nanibago ako sa itsura niya dahil parang ibang tao ito. Parang hindi siya ang papa na nakilala ko dati. Hindi gano'n ang itsura niya noong last kaming nagkita.
Naninilaw ang kanyang balat, sobrang laki ng binagsak ng katawan niya, at walang halong bakas ng saya sa kanyang mukha nang makita niya kami. Siya ba talaga 'yan?
I feel like he's not my dad.
Sa ilang araw niya na naka-bakasyon dito sa Pilipinas ay walang araw na hindi kami naga-away. Hindi kami magka-sundo sa mga bagay-bagay. Kahit sa maliit na problema ay lalo lang lumalaki.
Siguro kasi ilang years din siyang nawala sa piling namin ni Mama. Ilang years ko rin siyang hindi nakasama kahit sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Ilang years din akong nagtiis na hindi ko siya nakasama sa lahat.
I hate him for not being able to give us time.
Wala naman siya rito noong mga panahong nabully ako. Wala naman siya palagi kahit noong graduation ko noong elementary ako. Parang wala naman talaga siyang pake sa'kin, sa'min. Hindi ko siya maramdaman.
Hindi kami madalas magka-sundo dahil na rin siguro sa mga bagay na hindi ko naman na ginagawa ngayon na dati niyang nakasanayan sa'kin noong bata pa ako. Dahil tumatanda na rin siguro ako at nagkakaroon na ako ng mga sarili kong desisyon sa buhay. May time rin na nagka-away pa kami noon ng lola ko pero hindi ko 'yun sinasadya.
Ilang linggo ang nakalipas ay napapansin kong madalas nang pumupunta sila mama't papa sa iba't-ibang hospital. Wala akong idea kung anong nangyayari at kung anong sakit ng papa ko. Pero alam ko sa sarili ko na gagaling din si Papa sa sakit niya.
May mga gabing nahuhuli kong umiiyak si Papa sa may kusina sa tuwing pupunta ako sa banyo para umihi. Mabuti na lamang nga ay hindi niya ako nahuhuli sa mga oras na 'yun na gumigising at nagpapanggap nalang ako kinabukasan na hindi ko alam na umiiyak siya tuwing gabi.
May mga times din na naririnig ko ang usapan nila ni Mama na mamamatay daw siya dahilan para maguluhan ang isipan ko noong mga panahon na 'yun. Tinatanong niya rin si Mama kung kaya ba raw naming mabuhay nang wala siya, na kaming dalawa lang.
Dahilan para mapatanong ulit ako sa sarili ko, gaano ba kalala ang sakit ng papa ko? Kinaya naman namin kahit wala siya, ah? Anong ibig-sabihin niyang kung kaya naming mabuhay na wala siya?
Palagi naman siyang wala ah?
Sa tuwing galing ako sa school ay uuwi akong sobrang tahimik sa bahay. Walang tao parati na natural nang nangyayari sa buhay ko. Wala namang nagbago. Sanay na sanay na akong kumain, matulog at mabuhay ng mag-isa sa sarili naming bahay. Hindi ko man lang maramdaman ang presence ng pamilya ko.
BINABASA MO ANG
I Wrote Something About You
RomanceNagsimula lang naman ang lahat ng problema at challenges ni Gavin nang pasukin niya ang medical course na nursing. Sa kanyang panibagong journey ay makikilala niya si Javi, ang cute at knight in shining armor guy na handang tulungan si Gavin sa kahi...