Chapter Nine

58 10 0
                                    

Gavin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin's POV.

"Gagi, nahihiya ako" sabi ko kay Tine habang nakahawak siya sa braso ko.

Pinipilit niya kasi ako pumasok sa loob para daw makaupo na ako pero pinipigilan ko siya dahil kinakabahan ako. Parang ayoko na!

Ngayong araw din kasi gaganapin ang poster making contest. Ngayon lang naman kasi ulit ako sumali sa ganitong contest kaya kabado ako lalo na mga higher levels pa ang mga makakalaban ko at for sure, expert at mas magaling sila kaysa sa'kin.

Nauna nang pumasok si Piper kanina at nakaupo daw siya sa may bandang dulo ng room. Medyo nahuli kasi ako ng dating dahil bumili pa ako ng marker na gagamitin para mamaya. Nahihiya kasi ako maglakad papunta sa loob kasi for sure lahat ng mga nandun ay titingin sa'kin habang naglalakad. Nakakahiya.

"Kaya mo 'yan"

Napatingin kaming dalawa ni Tine sa direksyon kung saan nang galing ang boses na 'yun. Si Javi pala. Teka, bakit nandito siya? Hindi ba dapat nasa quiz bee na siya?

Napansin ko namang napangisi si Tine sa'kin. Alam kasi nila na may something sa'min ni Javi kahit na hindi ko pa nasasabi sa kanila 'yun.

Binalik ko ang tingin kay Javi at nginitian lang namin ang isa't-isa. Ilang araw na din pala ang nakakalipas noong mangyari ang pag-amin namin sa isa't-isa. Until now nga ay kinikilig pa din ako sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring 'yon.

"Thank you" sagot ko.

"Papasok ka na sa loob?" tanong niya.

Tumango lang ako sa kanya at napabalik ang tingin ko kay Tine. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa reaksyon niya na parang sinasabi na, "Papasok din naman pala"

Bago ako maglakad papunta sa loob ay tinapik ako sa likod ni Javi, "Goodluck, Gav".

Ngumiti lang ulit ako at ibinalik ko muna ang tingin sa kanila bago ako tuluyang pumasok sa loob ng room. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ko. Ang sarap sa pakiramdam.

Kaya ko 'to! Kaya namin 'to!

Pumasok ako sa loob at hinanap kung saan nakaupo si Piper. Kinawayan naman niya ako at pareho lang kaming natatawa kapag nagkakatinginan kami. Para bang matatawa nalang kami pareho kahit wala naman talagang nakakatawa.

Umupo na ako sa tabi niya at inilabas ang mga gagamitin namin sa pagguhit.

"Antagal mo teh. Tignan mo may mga pogi tayong kasama" sambit niya at natawa nalang ako.

Habang naghihintay kami sa instructor, luminga muna ako sa paligid. Bigla namang nanlaki ang mata ko nang makita ko si Russ. Kailan pa siya natutong magdrawing? Parang wala naman akong nababalitaan na sasali siya dito.

Kinindatan niya lang ako at napaiwas naman ang tingin ko sa kanya. Nakakabad trip talaga siya. Bwiset!

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari noong reporting namin. Palagi siya sa'king nakatingin, I mean normal lang naman na tumingin talaga sa'kin ang lahat kapag nagsasalita ako sa reporting kaso iba yung tingin niya sa'kin e. Ang creepy.

I Wrote Something About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon