Chapter Ten

56 10 0
                                    

Gavin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin's POV.

Napatulala ako sa nakikita ko. Is this a true stone?!

Anong ginagawa ni Javi doon?

Parang kanina lang sabi niya ay bibili lang siya tapos biglang naging isa na siya sa mga naging candidate? Wow magic!

"Kanina nakatanggap kami ng emergency na hindi nga daw makakapunta yung isang candidate. Nataranta kami lahat and ngayon lang kasi naulit ang event na 'to. We are hoping for a success event. I really don't know what to do and then I saw kuya Javi sa labas. I ask him a favor na siya nalang yung pumalit since second year lang din naman yung nawala" paliwanag niya, "At first, umayaw siya pero 'yun napapayag ko din"

After magpaliwanag ni Tine ay napabaling na agad ang tingin ko sa stage. I can't believe this!

"Hello everyone! I'm Javi S. Santos. Representing, second year nursing!" pagpapakilala niya sa sarili niya.

Nabibingi ako sa lakas ng hiyawan at tilian ng mga kapwa naming nursing students nang magpakilala siya. Napapatulala ako dahil hindi ko talaga expected na mangyayari 'to. Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Kinakabahan kaya siya?

Ngumiti lang siya at luminya sa mga kasama niyang candidates. Kung alam ko lang na kasali siya dito ay gumawa na sana ako ng banner para sa kanya.

After lumabas lahat ng babaeng candidates ay isa-isa na din muna silang pinabalik sa backstage dahil may intermission number daw ang dancing club sa school namin. Babalik na din si Tine papuntang backstage at niyaya niya akong sumama sa kanya para daw makausap ko si Javi so I followed her.

Pagpunta nga namin sa backstage ay iniwan muna ako ni Tine dahil may ibang aasikasuhin pa siya. Nagpatuloy naman akong maglakad sa loob ng backstage para hanapin si Javi. Nakita ko siyang nakaupo habang hawak-hawak ang isang bottled water.

Napansing niyang nakatayo ako sa harapan niya at tumingin sa'kin. Dali-dali naman siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Bumitaw naman ako sa yakap niya para makapag-usap kami.

"Sabi mo kanina bibili ka lang ng snacks para may kinakain tayo habang nanonood ng pageant ta's biglang isa ka na sa mga candidates" natatawa kong sabi sa kanya at pinalo siya sa braso.

"Pinilit ako ng kaibigan mo e" marahan niyang sabi habang nakakamot sa kanyang ulo.

Hinawi ko ang buhok niya at hinawakan ko siya sa pisnge. Pumikit siya at hinawakan naman pabalik ang kamay ko.

"Ang gwapo mo" sambit ko.

Ngumiti lang siya sa'kin at napansin kong namula siya sa sinabi ko. I can't deny it naman. Ibang-iba ang itsura niya ngayon. Naka-ayos yung buhok niya at napansin ko din palang naka-contact lens siya. Maganda din ang pagkalagay ng make-up sa kanya dahil very light lang 'yun at mas lalo siyang naging maputi sa suot niyang white uniform.

"Huwag kang kabahan ha? Nandito lang ako always to support you. Hindi ako mawawala" sabi ko sa kanya habang pinipisil ang palad niya.

Sumigaw na nga ang organizer ng event na malapit na daw magsimula ang next na portion. Ang Q and A portion. Alam ko namang kaya niyang masagot 'yun dahil kung about sa nursing lang ang pag-uusapan, for sure kakabog na siya. Matalino siya e.

I Wrote Something About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon