Chapter Four

91 14 19
                                    

Gavin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin's POV.

Monday na naman. Nakakatamad pumasok, hindi ko man lang naramdaman ang weekends. Parang kahapon lang yung long quiz namin at sure na naman akong may long quiz na naman ngayong week. Wala na naman akong pahinga for sure. Wait nagkaroon ba talaga ako ng pahinga?

Nagdecide nga muna akong dumaan sa isang convenience store sa tapat ng school namin bago pumasok. Nakalimutan ko kasing dalhin yung tubigan ko, hindi din kasi ako sanay na hindi umiinom o walang dalang tubig kapag nasa labas ako. Hindi naman ako nagmamadali ngayon na pumasok pero gusto ko lang talagang baguhin ang routine ko, para sanayin ang sarili ko na maagang pumasok para hindi na din hassle.

Kumuha nga ako ng water bottle at isang donut na paborito kong kainin. Dumiretso ako sa counter para magbayad na.

"Gavin, right?" tanong ng taong nasa harapan ko.

Napatingin ako sa kanya at nagkatitigan kami. Matangkad, moreno at physically fit. Matangos ang ilong at kapansin-pansin talaga sa kanya ang jawline niya. Si Russ, ang kilalang math wizard at president sa section namin.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

"Congrats nga pala last time. Highest ka sa long quiz natin" sambit niya habang nakangiti.

"Thank you"

Biglang naging awkward ang atmosphere. Hindi din naman kasi kami close. Kahit na kaklase ko siya, never pa talaga kaming nag-usap. Mabait naman siya kaso hindi ko pa din mabasa kung ganun talaga yung ugali niya. Kilala kasi siyang academic achiever at sporty pa.

"Una ka na" sabi niya at napatingin ako sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin at binigyan niya ako ng space sa harap, sign na pinapauna niya akong magbayad sa counter.

Hindi naman na ako tumanggi dahil gusto ko na din talagang makaalis. Hindi talaga ako sanay na makipag-usap sa kanya. Medyo 'off' kasi yung vibes niya for me.

"56 po lahat, Sir" sabi ng cashier.

Kinuha ko ang wallet ko at binigay ang 500 pesos na nasa loob ng wallet ko.

"Wala po ba kayong barya, Sir?" tanong niya at umiling ako.

"Pabarya nalang po muna kayo-"

Hindi na natapos sa pagsasalita yung cashier nang biglang sumingit si Russ.

"Ahh miss, ako nalang yung magbabayad sa binili niya" sabi niya sa cashier.

Ibinalik sa'kin ng cashier yung perang binayad ko. Napatingin naman ako kay Russ. Bigla din siyang tumingin sa'kin at kinindatan ako. Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya. Para saan 'yun?

Please lang! Ayoko na po dito!

After niya mabayaran ay binigay niya na sa'kin yung mga binili ko. Sinadya niya pa talagang mahawakan ang kamay ko.

I Wrote Something About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon