Chapter Eighteen

71 9 0
                                    

Gavin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin's POV.

Habang naglalakad ako pabalik sa school, tila'y may naramdaman akong kakaibang ihip ng hangin na parang sinasabi sa'kin na huwag ako pumunta roon. Huwag akong tumuloy pabalik doon.

Ramdam na ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Wala na rin masyadong tao sa labas. Tanging mga bukas na convenience store nalang ang nakikita ko. May ilan din na nagsasara na ng kani-kanilang mga tindahan.

Ang layo pa ng lalakarin ko pero may alam akong short-cut dito papunta sa school. Napatingin ako sa madilim na eskenita papunta sa school ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot.

Madilim na talaga sa daan at tanging mga ilaw lang sa poste mula sa dulo ng eskenita ang nakikita ko. 

Maglalakad ng malayo o doon sa may maikling daan papuntang school na nakakatakot at may posibilidad na paglabas ko ay baka kaluluwa nalang ako?

At s'yempre dahil nag-iisip ako naman ako at alam ko naman sa sarili ko na kaya kong i-gas light ang sarili ko na kaya ko pa maglakad ng malayo at kaya naman akong hintayin ni Javi kaya sa mahaba-haba pang lalakarin ang napili kong lakarin. 

Hindi ko nga maiwasang hindi mapatingin sa kalangitan habang naglalakad dahil nakakasilaw ang kidlat. After a few minutes walking ay natatanaw ko na ang school ko at si Javi. 

Habang naglalakad ako papunta sa kanya ay pansin ko sa facial expression niya na seryoso siya. He looks so tired

Nginitian ko siya at niyakap. "Namiss kita..."

Yumakap siya pabalik at ramdam ko ang higpit ng yakap na 'yun. Kumawala ako sa yakap niya at tinignan ko siya.

"Bakit hindi ka pumasok kanina?" tanong ko. "Hinahanap kita kanina eh. Hindi ka kasi nagpaparamdam." dagdag ko.

Nginitian niya ako pabalik. "Napagod lang." malumanay niyang sagot. "Happy birthday..."

Lumapit ulit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Gala tayo? Maaga pa naman, kahit saglit lang" ngiting-ngiting aya ko sa kanya.

Hinila ko ang kamay niya at nagsimulang maglakad pero naramdaman kong hindi siya sumunod. Napatingin ako sa kanya na may pagtataka. Hahawakan ko sana siya sa pisngi kaso inalis niya agad iyon.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya. "Sabihin mo lang sa'kin kung may problema ka. Makikinig-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

"Let's end this, Gavin. I can't do this anymore." sambit niya na ipinagtaka ko.

Biglang tumigil ang takbo ng mundo ko at nawala ang ngiti sa labi ko. "What d-do you mean, Javi?" nauutal kong tanong habang pinipigilan kong bumagsak ang luha sa mga mata ko.

Wala siyang expression na binitawan ang kamay ko na nakahawak sa kanya kanina. "Let's break-up..."

Pinilit kong tumingin sa kanya at wala akong nakikita sa mukha niya, walang emosyon. Unti-unting bumagsak ang luha mula sa mata ko. Napalunok ako at sinubukan kong magsalita.

"Bakit mo ba sinasabi 'to? May nagawa ba akong kasalanan?" tanong ko sa kanya at ramdam ko na kumikirot ang puso ko.

Hindi siya sumagot at tinignan niya lang ako habang umiiyak sa harapan niya. "A-ano bang nangyari? May kasalanan ba ako? B-bakit ayaw mo sabihin sa'kin?" pinilit kong magsalita sa harap niya kahit na alam ko sa sarili ko na anytime babagsak ako rito sa lupa. "I won't agree with you hangga't 'di mo sinasabi sa'kin ang dahilan. Hangga't 'di mo ine-explain sa'kin kung anong problema. Hindi-"

"I just don't love you anymore..."

Tila natigilan ako sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Anong nangyari?

Mayamaya'y biglang bumuhos ang ulan pero pareho lang kaming nakatayo at parang walang balak na umalis sa aming kinatatayuan. Basa na ang white uniform ko.

"Why is it so sudden, Javi?" tanong ko sa kanya at hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. "Parang noong isang araw, noong isang linggo, noong isang buwan... mahal na mahal mo 'ko. Pinaramdam at pinakita mo sa'kin na mahal mo ako. Pero bakit?"

Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Nakatitig lang siya sa'kin na parang walang nararamdaman. Paano niya naka-kaya na tignan lang ako?

"Matagal mo na ba 'tong pinag-isipan? May problema ba sa'kin? Sabihin mo sa'kin. I'll be a better person for you. Masyado ba akong makulit para sa'yo?" muli kong tanong habang nakikisabay ang ulan sa pag-iyak ko. 

"I'll do anything you want, huwag mo lang ako iwan, Javi..."

Sa dinami-dami kong sinabi sa harap niya ay wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya. Nakatingin lang siya sa'kin habang nagmamakaawa ako sa harapan niya.

Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya na ikinagulat niya. "Hindi mo na ba ako mahal? I'll do anything please..."

Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya at unti-unting naglakad palayo sa'kin at binuksan niya ang payong niya.

"Paano naman ako Javi?" tanong ko sa kanya at napatigil siya sa paglalakad habang nakatalikod sa'kin. "Ganon nalang ba talaga ako kabilis i-let go? Hahayaan mo nalang talaga ako? Iiwanan mo nalang ako?"

Humarap siya sa'kin at nakakatakot ang tingin niya. Tingin na walang emosyon at galit lang sa mata niya. "Wala na tayo. Kasasabi ko lang 'di ba? Huwag mo akong i-guilt trip, Gavin! Putangina, hindi kita obligasyon!"

Natigilan ako sa mga sinabi niya at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Minura niya ako? Sinigawan niya ako?

"Baka magtanong ka pa ulit ha? Ayokong mag-explain sa'yo dahil alam kong hindi mo lang din naman magugustuhan ang mga sasabihin ko sa'yo. Sawang-sawa na akong intindihin ka. Sana magets mo 'yun! Pagod na ako sa'yo!" sambit niya at tinalikuran ako.

Naglakad siya palayo sa'kin na parang walang balak na muling lumingon sa direksyon kung saan niya ako iniwan. Habang ako naman ay tila naging estatwa sa kinatatayuan ko. I can't move.

Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagbagsak din ng luha ko at ng mundo ko. Hanggang doon nalang ba talaga tayo?

Akala ko ba hindi mo ako iiwan?

Akala ko ba hindi mo ako sasaktan?

Akala ko ba kakampi kita?

Paano na yung plano natin?

Paano na tayo? Paano naman ako?

Just like the rain, it pours down on me. Everything feels heavy right now. 

I Wrote Something About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon