Chapter Sixteen

77 9 0
                                    

Gavin's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gavin's POV.

"Ugh... please be gentle..."

Napapaungol nalang ako sa tuwing nararamdaman kong unti-unti itong sumisikip. Masarap sa pakiramdam pero ang sakit talaga. Parang nanghihina ako sa ginagawa niya sa'kin. I just let him do his thing at me. Bahala na kahit masakit.

"Masakit ba?" tanong niya sa'kin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Yung mga mata niya, parang inaakit ako. Ramdam ko ang bawat pagpatak ng pawis ko. Hindi ko maiwasang kabahan sa ginagawa namin ngayon. Parang naririnig ko ang tibok ng puso ko. 

"Oo... Ugh, Javi! Gagi- huwag mo sagarin. Masakit!" reklamo ko habang iiniinda ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko maiwasang mapapikit nalang habang ginagawa niya 'yun. Mahigpit niya akong hinawakan sa aking pulso. Nararamdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Nakakahiya na makita niya ako sa posisyon na 'to.

"Hindi ko pa nga nasasagad." saad niya. "Huwag ka kasing malikot!"

Parang feeling ko anytime, sasabog na 'to. Hindi ko na kaya dahil sobrang sakit na. Sa bawat segundo ay sumisikip. I can't hold it anymore! 

"Ayoko na, tanggalin mo na. Ang sikip!"

Sinamaan niya lang ako ng tingin at marahan niyang binitawan ang paghawak sa bulb ng sphygmomanometer.

"Ang likot mo naman kuhaan ng blood pressure. Hindi ko tuloy alam kung accurate ba yung blood pressure mo." reklamo niya. "Ikaw na nga 'tong tinuturuan puro ka pa reklamo, puro ka pa ungol."

"Masakit eh." sagot ko sa kanya habang nakahawak sa braso ko.

"Paano ka matututo kung takot ka masaktan?" tanong niya. "One thirty over ninety blood pressure mo."

"Normal?"

Tumingin lang siya sa'kin na nakapoker face. "Malamang hindi. Mataas."

"Highblood ako? Kailangan na ba akong dalhin sa doctor?!" tarantang tanong ko sa kanya habang nakahawak sa kwelyo ng damit niya.

Natawa lang siya sa isinagot ko. Inilayo niya ako sa kanya at hinawakan ang kamay ko.

"Oa ka talaga. Kinabahan ka lang siguro kanina" aniya. "Hindi naman kita masisisi kung kinabahan ka. Ganitong mukha ba naman magti-tingin ng blood pressure mo, bibilis talaga tibok ng puso mo eh." 

Ang hangin.

"Sige. Sabi mo 'yan eh." sagot ko. "Akin na 'yang sphygmomanometer. I-blood pressure kita sa leeg." biro ko sa kanya.

Pabiro niya akong inirapan at tumawa. "Lapit na mid-terms, ah. Nagre-review ka ba?" pagiiba niya sa usapan.

"Omsim!"

Tahimik lang kaming nagpapahinga sa malambot na kutson. Napansin ko ring unti-unting napapapikit ang mapupungay niyang mga mata. Natulog kaya siya kanina bago siya mag-on the job training?

I Wrote Something About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon