Gavin's POV.
"Tangina nung hayop na 'yun. Kinulang sa emotional intelligence!" galit na saad ni Klee habang nilalagyan ng bandage ang likuran ko pagkatapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyari kanina. "Buti nalang talaga talaga hindi ka nagkaroon ng injury. Kung nagkataon lang talaga, sisipain ko 'yun. Subukan niya lang talaga magpakita sa'kin, wala akong pake kung gwapo siya. Makakatikim siya ng sipa papuntang China."
"Talaga ba?" duda kong tanong sa kanya at marahang natawa sa naging reaksyon niya.
Mahina niya akong hinampas sa braso ko. "Pasalamat ka nga napadaan ako doon at pinacheck pa kita sa school nurse natin dito, naturingang nursing tapos ikaw pa madalas masaktan. Mga nursing talaga! Tapos pagdududahan mo pa ako?! Wala talaga akong pake kung gwapo pa siya." sambit niya at natatawa ako sa reaksyon niya dahil lumalaki ang butas ng ilong niya habang nagsasalita. "I mean, we can talk about it naman eh. Charot!"
Napailing-iling nalang ako habang natatawa dahil sa mga sinabi niya.
Nandito kami ngayon sa may clinic para ipacheck kung ayos lang ba yung katawan ko. Napadaan kasi siya kung saan ako iniwan ni Javi kanina dahil daw doon siya pumupunta kapag nagre-review dahil wala raw masyadong tao na napunta roon at nagkataon pa na nandoon ako kaya naidala niya agad ako rito and thankfully hindi naman ganoon kalala ang natamo ko. Need ko lang daw magpahinga ng isang araw.
Pinagagalitan pa nga niya ako kanina dahil daw kung kailan siya aral na aral ay doon pa ako sumabay at ginulo ang vaccant niya.. Biniro ko na nga lang siya na huwag na siyang magpanggap na magre-review dahil alam ko namang may kikitain lang siya doon. Landi talaga! Eme!
"Ano ba kasing nangyari sa inyo? 'Saka 'di ako informed na wala na kayo ha? Parang kailan lang palagi pa kayong magkasama tapos naging kayo ta's ngayon wala na kayo. Bakit ka ba niya tinulak?" curious niyang tanong sa'kin kaya napabuntong-hininga ako bago sumagot.
"Kasalanan ko kasi." ani ko.
"Kasalanan mo kasi?" pag-uulit niya sa sinabi ko pero patanong.
"Hinawakan ko siya ng mahigpit. Nasaktan ko ata siya dahil sa higpit ng hawak ko sa kanya. Hindi ko naman sinasadya." sagot ko habang nakatingin sa sahig.
"Ayun lang? Bakit? Hindi ka rin ba niya nasaktan? Yung ginawa nga niya sa'yo, sadya eh." seryosong tanong niya sa'kin. "Gav, gago lang talaga 'yun. Huwag kang makinig sa kanya. Yung iyo nga doble-doble pa yung sakit 'di ba? Masakit na sa damdamin tapos masakit pa sa katawan dahil tinulak ka pa niya. Paano nalang kung nagkaroon ka ng cancer sa p'wet?-"
"Stop it!" sigaw ko. "Tangina nito, kung ano-ano mga pinagsasabi." dagdag ko habang nandidiri sa sinabi niya.
Natawa lang siya sa reaksyon ko.
"Ang arte ha? Partida nagnursing ka pa, nako nga naman talaga nursing. Masyadong pa-disney princess ha?" sabi niya habang sinusundot ako sa tagiliran ko. "Sinasabi ko lang naman, malay mo magkaroon ka ng bukol sa pwet- ay, meron na nga pala talagang bukol ang p'wet." sambit niya na may pilyong ngiti sa labi niya na nakakainis habang tinataas-taas pa ang kilay niya.
BINABASA MO ANG
I Wrote Something About You
RomanceNagsimula lang naman ang lahat ng problema at challenges ni Gavin nang pasukin niya ang medical course na nursing. Sa kanyang panibagong journey ay makikilala niya si Javi, ang cute at knight in shining armor guy na handang tulungan si Gavin sa kahi...