Gavin’s POV.
“Saan ba masakit? Iki-kiss ko.”Nadapa kasi ako habang tumatakbo kanina sa race. Kaya ang ending natalo na nga, nadapa pa. Naramdaman ko nga na may tumulak sa’kin dahilan para madapa ako. Bwisit siya!
Nandito kami ngayon sa clinic dahil ginagamot ni Javi ang sugat ko. Nakukuha niya pa talagang magbiro kahit na umiiyak na ako. Bakit kung kailan ako naging nursing, ngayon pa talaga ako madalas masaktan. Kahit anong ingat ko, wala talaga.
“Ayan, okay na.” saad niya, “Next time kasi huwag ka na sumali sa ganyan.”
Napatigil ako sandali sa pag-iyak at tumingin sa kanya.
“Wala naman talaga akong balak sumali sa race kung hindi niyo lang sana ako pinigilan pumuntang faculty noong isang araw edi naalis sana yung pangalan ko doon.” mangiyak-ngiyak kong sambit sa kanya habang kinukusot ang mga mata ko.
Marahan siyang natawa at tumabi sa’kin.
“Yakapin nalang kita...” malambing niyang bulong sa tenga ko at niyakap ako.
Napangiti ako sa ginawa niya at yumakap din ako pabalik sa kanya. Pero naramdaman kong parang may kakaiba sa kilos niya.
“Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na magi-ingat ka palagi? Paano kapag nawala ako sa tabi mo?” sabi niya dahilan para kumalas ako sa yakap niya.
Tumingin ako sa kanya ng seryoso na may namumuong luha pa sa gilid ng mga mata ko.
“Mawawala ka?” tanong ko. “Bakit? Saan ka pupunta?”
“Kaya nga sabi ko ‘paano’, hindi ko sinabing mawawala talaga. Paano kung sobrang busy na ako? Paano ‘di ba kung wala na akong time palagi sa’yo? Paano kapag wala ako sa tabi mo?” saad niya. “Hindi naman ako palaging nasa tabi mo o palaging nandiyan para sa’yo sa lahat ng oras. May mga ginagawa rin ako. Kaya sana mag-ingat ka at alagaan mo yung sarili mo.” dagdag niya.
Tumalikod ako sa kanya at pinigilang hindi bumagsak ang luha sa mga mata ko. Naramdaman kong yumakap siya mula sa likod ko at inilapat ang chin niya sa balikat ko.
“Huwag ka nang magtampo. Maiintindihan mo rin ‘yang sinasabi ko.” sambit niya habang mahigpit siyang nakayakap sa’kin. “I love you.” bulong niya sa tenga ko dahilan para mag-init ang magkabilang pisnge ko.
Napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya. Ngayon ko lang narinig sa kanya ang salitang ‘yun. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin.
“Wala man lang I love you too?” reklamo niya at umiling lang ako sa kanya.
Hinigpitan niya ang yakap sa’kin at napansin kong ipinikit niya ang mga mata niya. Medyo nakikiliti pa nga ang balikat ko dahil sa maliliit na tubo ng balbas niya.
“Mahal din kita, Javi.” sagot ko pabalik at naramdaman kong hinalikan niya ako sa tenga ko.
_
Sakit ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
I Wrote Something About You
RomanceNagsimula lang naman ang lahat ng problema at challenges ni Gavin nang pasukin niya ang medical course na nursing. Sa kanyang panibagong journey ay makikilala niya si Javi, ang cute at knight in shining armor guy na handang tulungan si Gavin sa kahi...