16

6.4K 94 18
                                    

A/N:

This is the last chapter. Thank you for reading this story. Sana makasama pa kita sa mga susunod na kwento.

See you in Heart Thief. :)

~~~

"BACK AGAIN?"

Napalingon si Seiren sa nagsalita sa likod niya. It was his brother, Emrei.

"Yes."

Umupo ito sa tabi niya at tinanaw ang kulay kahel na dagat. It's been her spot since she came home. Tuwing gusto niyang mag-isip ay doon siya pumupunta, sa tabing dagat. It offered her comfort and solace.

It's been three weeks since she left the Philippines. Noong una ay nag-alala ang kanyang mga magulang sa biglaan niyang pag-uwi. Dahil dito ay kinailangan niyang sabihin ang lahat sa kanila ang nangyari, pati na rin ang kaugnayan ni Julio kay Nylon.

Nylon...

Just the thought of him makes her want to run back to the Philippines. Miss na miss na niya ang binata. Kasabay kasi ng pag-alis niya ay ang pagputol niya sa kanilang komunikasyon. She needed it. She needed the time alone.

Ngunit ngayong mag-iisang buwan nang hindi niya ito nakakausap, parang hindi na niya kakayanin. Ilang beses na niyang muntik tawagan ang lalaki, ngunit kapag pipindutin na niya ang call button ay bumabalik sa kanya ang dahilan ng paglayo niya.

She knew it was the right thing to do. Kailangan nila iyon. Kilala niya ang sarili niya. Kung pumayag siyang manatili sa tabi ni Nylon, maglilinger ang katotohanang sinabi nito sa utak niya. At dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong tanggapin at kalimutan iyon, unti unting mapupuno ng doubts ang isip niya. Baka dumating pa sa pagkakataong paghinalaan niya si Nylon. At ayaw niyang mangyari iyon.

Dito, sa Al Ashiq, nasa kanya ang lahat ng panahon para pag-isipan at tanggapin ang nangyari. At kapag natanggap na niya iyon, pwede na niyang simulang kalimutan ito.

Soon enough, she will be ready again to face Nylon and start their lives together.

"Do you think you did the right thing? Leaving Nylon?" biglang usisa ni Emrei sa kanya.

Nang sabihin niya sa mga kapatid niya na aalis siya, hindi sila nagtanong. Agad lang inayos ng mga ito ang mga kailangan niya. Ipinagtaka niya iyon. Turns out, alam na pala ng mga kapatid at pinsan niya ang ginawa ni Nylon. Talaga lang hindi nakialam ang mga ito sa kanila.

'It was his secret to spill, not ours. Isa pa, malaki ka na. Alam mo na ang dapat gawin. Hindi ka na namin dapat pangunahan sa mga ganyang bagay,' sabi ni Reid nang tanungin niya ang mga ito.

"You know it's the right thing to do, Kuya."

"I know. I'm just wondering kung nahihirapan ka sa sitwasyon niyo."

Bumuntong hininga siya. "Of course nahihirapan ako. Hindi naman madaling malayo sa taong mahal mo. But this is for me. For us. Mas maganda nang magkalayo kami ngayon at magkasama habang buhay kesa naman magkasama kami pero maghihiwalay din naman pala."

"Ganun ba kababaw ang nararamdaman mo para sa kanya?"

"Of course not. Hindi ko ito gagawin kung mababaw ang nararamdaman ko para sa kanya. It's the opposite, actually. I love him so much.Pero kapag ang pagmamahal ay nabalot ng pagdududa at paninisi... ayokong dumating kami sa puntong iyon, Kuya. That's why I'm doing this."

Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally ScrewedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon