“HINDI MO pa rin ba sasabihin sa akin kung saan tayo pupunta?” usisa ni Seiren kay Nylon habang magkahawak kamay silang naglalakad papunta sa Lakeside Café and Restaurant.
Matapos ang kanilang madamdaming aminan ay ipinagpatuloy nila ang panonood ng sunrise. Nang magsimulang uminit ay nagdesisyon na silang kumain ng umagahan.
“You really don’t know how to be patient, do you?” natatawang sagot naman ni Nylon sa kanya.
“I’m really curious. May pa-secret secret ka pa kasi.”
“Just wait, love. Hindi ka naman mapapahamak habang kasama mo ako.”
She just pouted. Nang marating nila ang restaurant, sa halip na dumiretso sila sa isang table ay pumunta muna sila sa kitchen nito.
“What are we doing here? Are we even allowed here?” sabi niya habang mas humigpit ang kapit niya kay Nylon.
“Relax, oorder lang tayo.”
“At talagang dito pa ha?”
Bago sila tuluyang makapasok ay may nakita ito sa gilid ng entrance sa kitchen. Lumapit ito sa isang pigurang may toque sa ulo. Bata pa ito, halos kaedad ng mga kuya niya ngunit mukhang ito ang head chef. “’Morning, Chef Miles!”
Napatingin ito sa kanila saka gumuhit ang isang ngiti. “Nylon! Looking good huh? Kamusta na ba? Sino ba itong magandang kasama mo?”
“This is my girlfriend, Seiren Ann Rafiq. Love, siya si Chef Miles, ang head chef dito,” pakilala nito sa kanya. Tama pala ang sapantaha niyang ito ang head chef. Ngunit mas tumatak sa kanya ang pagpapakilala sa kanya ni Nylon. Tila musika sa pandinig niya nang banggitin nito na siya ang girlfriend ng binata.
“Oh. So kapatid mo sina Beiron at Emrei. Chef Miles,” sabi nito sabay abot ng kamay sa kanya na maagap naman niyang tinanggap. “Nice to meet you.”
“Nice to meet you too.”
“Tsk. Mukhang matindi ang sinuong mo para sa kanya, Nylon.”
Nakangiti itong sumagot. “True love, Chef. Para namang hindi mo ginawa iyon para sa asawa mo.”
Nagkibit balikat lang ito. “Oh well, I’d do it again kung para naman sa mahal ko. Anyway, bakit kayo nandito?”
“Breakfast special ni Ian.”
“Ah. Sige, hanapin mo na lang siya sa loob. Maiwan ko muna kayo. Alam niyo na, business.” Yun lang at iniwan na silang dalawa. Marahan siyang inakay ni Nylon papunta sa mismong loob ng kitchen.
Tila may hinanap ito sa loob at nang matagpuan ay hinila siya palapit rito.
“Ian! Good to see you,” bati nito sa isang lalaking medyo busy sa pagluluto. Nagulat pa ito nang makita siya.
“So the rumors are true.”
“What rumors?” kunot noong tanong ni Nylon.
“Na taken ka na din daw dahil may isinakay ka nang babae kay Achilles kasama mo.”
Napakunot noo siya. Anung koneksyon ng pagsakay ng kabayo sa pagiging taken ni Nylon? Kahit na gustong gusto niyang tanungin si Nylon ay itinikom na nalang niya ang bibig. Mamaya na lang niya ito tatanungin.
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally Screwed
FanfictionNabuhay si Seiren Rafiq sa karangyaan. Being the only daughter of an oil sheikh from Al Ashiq makes her a royalty - katulad ng kanyang mga kapatid na sina Beiron at Emrei. But her almost perfect life was devastated when she got her heart broken. In...