7

4.2K 69 5
                                    

MAG-ISANG naglakad lakad si Sei sa paligid ng Stallion Riding Club. Hindi siya lumabas maghapon dahil napagod siya sa sunod sunod na araw ng paglalakwatsa. Tila ba nagpoprotesta na rin ang katawan niya sa pagod kaya pinili niyang mahinay hinay muna.

            Isa pang dahilan kung bakit gusto muna niyang magpahinga ay dahil iniisip niya ang mga pangyayari ng nakaraang gabi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya mahinuha kung totoo bang hinalikan siya nito o panaginip lang niya iyon. Kapag kasi naiisip niya na hindi iyon isang panaginip lang ay umiinit ang pisngi niya sa hindi malamang dahilan. Pati na rin ang mga ginawa nito habang nasa lake sila at habang pauwi ay nakakadagdag sa hiya na nararamdaman niya. Hindi tuloy niya alam kung paano ba niya pakikitunguhan ang lalaki sakaling magkita sila.

            ‘Pero sana nga makita ko siya,’ naisip niya. Natigilan siya. Did she just wished for it? Did she really think about it? Hindi na niya maintindihan ang sarili. Masyadong nagiging magulo ang nararamdaman niya kapag si Nylon ang involved. He was causing her emotions to go haywire. At hindi niya alam ang gagawin. Hindi naman kasi niya naranasan ang ganoon kay Julio. Everything Nylon do was new to her kaya hindi niya alam kung paano magrereact o paano kokontrolin ang sarili.

            Hinaplos niya ang jacket na nakasampay sa braso niya. Nang magising siya ay nasa bedside table na niya ito at maayos na nakatiklop. May kasama itong note.

                                                                                                             

Hindi ko na makita yung favorite jacket mo. Wag mo na lang iwawala ito. Ginawin ka pa naman.

N

 

            Nang mabasa niya iyon kaninang umaga ay hindi maalis ang ngiti sa labi niya. Oo at may pagsermon ito sa note pero nandoon din naman ang concern. Para siyang baliw na kinikilig na hindi niya maintindihan. Dahil doon ay hindi na niya ito binitawan. Lagi niyang dala dala at siguradong hindi rin niya maiiwan.

            Nakita niya ang isang maliit na convenience store sa malapit. Dali dali siyang nagpunta roon. Napangiti pa siya nang makita ang mga kabayo sa labas.

            Pagpasok niya ay napansin niya ang mga kalalakihan na naroon. Mga members ito ng club dahil pamilyar sa kanya ang ibang mga mukha. Ito ang mga nakita niya noon sa monthly ranking. Hindi niya ito binigyan ng importansya bagkus ay nag-ikot ikot na lang sa loob habang naghahanap ng masarap na kainin. Tinatamad kasi siya magluto at balak niya ring magmovie marathon.

            “Miss, bakit naman masyado kang lonely?” untag sa kanya ng isang di kilalang boses. Paglingon niya ay isang pamilyar na mukha ang tumambad sa kanya. Member ito ng club.

            “Kapag ba nag-iisa, lonely agad?” balik tanong niya. Mukha namang mabait ito.

            Napangiti ang lalaki sa kanya. “Hindi naman. Sige, baguhin ko yung tanong ko. Bakit ka nag-iisa?”

            “Oo nga, miss. Dapat hindi ka naglilibot ng mag-isa dito,” sulpot naman ng isa sa tabi niya.

            “Sino ba ang kasama mo dito?”

            “Teka lang, Ricos, bakit ba pinopormahan mo siya? May girlfriend ka na di ba?”

            “Oy, wala akong girlfriend. Si Jubei, Rolf, Daboi at Eneru lang ang may sabit na. Libreng libre pa ako!”

Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally ScrewedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon