1

10.1K 104 3
                                    

A/N:

Medyo boring sa una.

Pagtyagaan.

~~

“Are you sure about this, Sei?” tanong ni Sheikh Ahmadi sa anak na kasalukuyang nag-eempake ng gamit.

“More than sure, Pa. Mas makakabuti na muna ito kesa naman nagmumukmok ako dito. Sabi rin nila, a change of scenery would help me recover,” nakangiting sagot niya sa ama.

“What if something happens to you there? What if you get hurt by those men? I know for a fact what kind of men are there. I seriously will kill anyone who hurts even the end of your nails.”

Natawa siya sa tinuran ng ama. No doubt, her father loves her that much. And she’s sure that he’s pretty serious about his threat. Nilapitan niya ito, saka hinawakan ang kamay. “Pa, I’ll be fine. It’s for the best. It’ll be easier to forget everything. By the time I come back here, I’ll be completely healed.”

Nakita niyang kinonsidera na nito ang hiling niya. “I just don’t wanna lose my princess.”

“You won’t. I’ll always be your princess. I’ll be back before you know it. Isa pa, nandun sila Kuya Emrei at Kuya Beiron. Pati narin ang mga Alleje. I’m sure I’ll be safe.”

Bahagyang ngumiti ito saka siya niyakap. “Call me if you need anything, okay? I’ll be waiting for you honey.”

Tumango lang siya. Alam niya na sa gagawin niyang iyon, magdudulot ito ng magandang epekto sa kanya. After all that happened, she just needs to find herself again.

TAHIMIK niyang binaybay ang daan patungo sa Stallion Riding Club sakay ang isang Mercedes – Benz. Ito ang service na ipinahanda ng kanyang kapatid na si Beiron nang malaman nitong bibisita siya sa club. Hindi niya masakyan ang private jet nila dahil may official business ang kanyang ama. Hindi rin siya pinayagan na magcommercial flight ng mga magulang niya, mga kapatid niya, pati na rin si Prince Rostam kaya ang private jet ng Kingdom of Al Ashiq ang ginamit nya.

Napabuntong hininga siya. Everything her parents, brothers and friends do for her defeats the real purpose why she’s here. She wanted to escape the limelight for a while and live simply. Kaya ang club una niyang naisip dahil na rin sa mga kwento ng mga kapatid niya. Hinayaan na lamang niya ang mga ito sa mga luxuries na iyon kapalit ang isang bagay: walang bodyguards. Pumayag naman sila.

Aliw na aliw siya sa magandang scenery na madalang niyang makita sa ibang bansa. Ganito pala talaga kaganda ang club. Maging sa ibayong dagat ay gumagawa na ito ng ingay sa kagandahan ng kalikasan at state-of-the-art facilities lalo na sa pangangalaga sa mga kabayo. Lahat ito ay idinesenyo upang magbigay ng luxury at comfort sa mga members at guests kung kaya’t dinarayo ito ng mga business tycoons na gustong makapagrelax ng walang umaabala. Mahigpit kasi ang security dito at talagang pinahahalagahan ang privacy ng bawat miyembro.

Dumating siya sa gate at nagulat siya nang ang naghihintay sa kanya ay ang mismong hari ng buong Stallion Riding Club.

Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally ScrewedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon