6

5.2K 71 1
                                    

A little treat. Kinda long and full of Sei and Nylon's moments. :)

Enjoy

Naglakad lakad siya sa lakeside habang dinadama ang malamig na hangin. She took a deep breath, trying to clear her mind. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang kakaibang tingin ng mga tao sa loob ng bar. Para bang may nagawa siyang isang bagay na hindi pa nagagawa ng kahit sino.

            Nakakita siya ng isang bench sa ilalim ng puno. Naupo siya roon habang tinatanaw ang mala-kristal na tubig ng lawa. The moon was shining brightly, just above the volcano, giving its pallid light to the night. The soft breeze caressed her skin, and blew her hair. Lahat ay nagniningning sa kadiliman ng gabi.

            Humalukipkip siya nang may dumaang hangin. Nagsisimula na siyang ginawin. Nakalimutan pa naman niya ang jacket niya sa loob ngunit wala siyang intensyon na bumalik doon at muling pagtinginan ng mga tao. Pinagkiskis niya ang mga kamay sa braso upang mainitan siya kahit paano.

             Nabigla siya nang may nagbalabal ng jacket sa kanyang balikat. She looked around to see Nylon standing behind her.

            "Careless. Alam mong malamig dito pero wala kang dalang jacket."

            Inirapan niya ito. "I'm not careless. Meron akong dala, naiwan ko lang sa loob."

            Umupo ito sa tabi niya. "Careless, nevertheless."

            She pouted. Talagang mahilig mang-inis ang isang to. Pinili niyang wag nang sumagot dahil baka mapunta pa sa diskusyon ang usapan nila. Binalot sila ng katahimikan. Pareho lang silang nakatingin sa tubig. Hindi naman niya alam kung may iniisip ba ito o kung ano kaya hindi siya makapagsimula ng conversation.

            "Nilalamig ka pa?" pambasag tanong nito na ikinagulat niya.

            Pinakiramdaman niya ang sarili. She felt warm and comfortable in his jacket. "Hindi na. Salamat." Nang lingunin niya ito at saka lang niya napansin na naka-t-shirt lang ito. "Teka, baka naman ikaw na ang nilalamig. Manipis pa naman yata yang suot mo."

            "I'm not as fragile as you are. Isa pa, sanay na ako sa lamig dito."

            "Sigurado ka?"

            "Yeah."

            "Talaga? Baka naman nagpepretend ka lang."

            "Okay lang ako."

            "Sure?"

            Napabuntong hininga ito. "You're not just careless. You're also stubborn."

            "Hey, I'm not stubborn. Concerned lang ako. Mamaya magkasakit ka, konsensya ko pa."

            "I'm fine. Bakit ba ang kulit mo?"

            Napaismid siya sa sinabi nito. "Edi wag. Ikaw na nga lang ang inaalala eh."

            Muli silang natahimik. Namula ang kanyang pisngi nang marealize niya na inaalagaan na nga siya nito, nagsusungit pa siya.

            'Wala ka na talagang ginawang tama kapag kaharap siya,' sermon niya sa sarili.

            "Sorry," bulong niya. Nahihiya na talaga siya. Bakit ba lagi na lang siyang palpak kapag nandito ito?

            "For what?"

            "Inaalala mo na nga lang ako, nagsusungit pa ako," nanatiling nakayuko ang ulo niya. Hindi talaga niya maharap ng maayos ang lalaking ito kahit kailan.

Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally ScrewedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon