14

3.8K 57 6
                                    

"SAAN NA tayo tutuloy pagkatapos nito?" tanong ni Seiren Ann kay Nylon habang kumakain.

Nagpasya silang umahon nang magsimulang mangulubot ang kanilang mga kamay. Buong umaga silang naglunoy sa malamig na tubig ng talon. Napuno ng halakhak ang buong Forest Trail sa kanilang dalawa.

Noon din niya nakumpirma ang hinala tungkol sa picnic basket na dala ni Nylon. Laman ng basket ang kanilang tanghalian na si Nylon mismo ang nagluto. Nang malaman niya ito ay isinaisip niya na ipagluluto niya minsan si Nylon.

"I was thinking that you would want to change clothes first bago natin ipagpatuloy ang lakad natin," sagot ni Nylon.

Tumango tango siya. "So ihahatid mo muna ako sa bahay ni Kuya Emrei?"

Naningkit ang kanyang mga mata nang biglang ngumisi si Nylon sa sinabi niya. "No, love. Magbibihis ka sa bahay ko."

Hindi na niya napigilan ang manlaki ang mga mata. Did she hear him right? Sa bahay nito?

Bigla ay parang may bikig sa lalamunan niya kaya't hindi na niya itinuloy ang pagkain. Her mind lingered in the idea of being in Nylon's house.

Hindi niya alam kung nasaan ang bahay ni Nylon. At hindi rin niya alam ang aasahan sa pagpunta sa bahay nito. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nasa iisang bahay sila ni Nylon, sa isang enclosed space, sa kwarto nito, nang silang dalawa lang. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung ano ang mararamdaman kapag nasa banyo na siya at nagbibihis, habang nasa labas lamang si Nylon at naghihintay sa kanya...

She shook her head ardently. Pambihira. Hindi niya inaasahan na doon mapupunta ang isip niya. She needs to dispel those thoughts kung ayaw niyang mawala sa sarili at magmukhang tanga sa harap ni Nylon.

"Is there anything wrong?" tanong bigla ni Nylon sa kanya. Mabilis niyang tiningnan ang lalaki. Inosente lang itong nakatitig sa kanya.

"Ahm, may maid ka ba sa bahay?"

Tinitigan siya ni Nylon dahil sa tanong niya. Dahan dahang umangat ang labi nito nang mapagtanto kung saan papunta ang tanong niya. Ngumisi ito ng pilyo sa kanya.

"No, Seiren Ann. Wala akong maid. May nagpupunta lang na naglilinis once every week," sagot nito sa kanya nang hindi binibitiwan ang titig sa kanya.

Napalunok ng wala sa oras si Seiren. So walang tao sa bahay nito. At kung doon siya magbibihis ay silang dalawa lamang ang naroon sa bahay nito.

Humataw ang kaba sa dibdib niya.

She doesn't know what to feel. Para siyang naeexcite na kinakabahan. Parang ayaw niya na gusto. Litong lito na siya sa nararamdaman niya.

Marahil napansin ni Nylon na balisa siya kaya't dagli nitong binitawan ang pagkain saka ginagap ang kamay niya. Nagulat pa siya nang halikan nito ang mga iyon.

"Are you afraid of me, love?"

Napatitig siya rito. May takot sa mga mata nito na hindi na pinagkaabalahang itago. Nylon is being very honest to her. He is showing his raw emotions to her.

Umiling siya. Hindi niya alam ang isasagot.

"Ayaw mo bang pumunta sa bahay? Pwede naman kitang ihatid sa bahay ni Emrei kung mas komportable ka."

Muli siyang umiling.

"Then what is it, love? Please tell me. Pinapakaba mo ako."

Napabuntong hininga siya. How is she going to tell him na gusto at ayaw niya ang idea na makasama ito sa bahay nito? Na nahahati siya sa tamang gawin at sa gusto niya? Na ang ideya na magkasama sila sa isang kwarto na may kama ay nakakapagpakaba at nakakapagpaexcite sa kanya? Na kung hindi sa control nito kanina ay baka naisuko na niya ang sarili rito?

Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally ScrewedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon