3

5.5K 83 0
                                    

“I’LL NEVER get tired of your cooking, Sei. This tastes so good. Mas masarap pa sa luto ni Chef Ian,” komento ng pinsan niyang si Reichen. Nasa bahay sila ni Emrei ngayon. Hinahanap nito ang kapatid niya nang abutan siyang nagbebake. He then decided na intayin na ang iniluluto niya.

            Napangiti siya. It always makes her happy when people eat her sweets. Masarap sa pakiramdam na nakakapagbigay kasiyahan siya sa iba sa pamamagitan ng luto niya.

            After the incident at the Forest Trail, naglibot pa siya sa ibang lugar in hopes na ma-occupy ang isip niya. It was already afternoon when she decided to go home. Wandering was no use dahil masyado parin siyang nababagabag dahil sa lalaking nakita niya. Ni ayaw nitong maalis sa isip niya. Hanggang sa nagdesisyon siyang magbake na lang para malibang. Sakto namang dating ni Reichen.

            “Reichen! Forever alone na nga yung tao, ganun pa sinasabi mo. Ikaw talaga! At wag mong kakainin lahat. Maghahanap sila Kuya pag umuwi ang mga iyon,” sagot niya habang naghuhugas ng mga ginamit niya.

            “Wag na. Ipagluto mo na lang sila ng iba. Akin na lang itong mga to. Minsan ko na lang matikman ang luto mo eh.”

            Natawa na lang siya. Nagpunas siya ng kamay saka binigyan ng hot chocolate ang pinsan. Nang tikman nito ang inumin ay napatalak ito.

            “Pati itong drink, masarap! Unique ang flavour. Sabi na, dapat madalas akong tumambay sa inyo eh.”

            Mas lumawak ang ngiti niya. “Sige na nga, iuwi mo na yan. Kung gusto mo, ipagbebake pa kita.”

            “Ah! Alam ko na ngayon ang weakness mo! Lagi na kitang pupurihin para lagi mo akong ipagbake!” ngiting ngiting sabi nito.

            “Ay! Wag na pala.”

            “Hindi, joke lang. Sige na, pagbake mo na ako,” biglang bawi nito habang nilalantakan ang chocolate chiffon cake na gawa niya. It was her brothers’ and cousins’ favorite.

            Luto na ang pangalawang cake niya nang dumating ang mga kapatid niya.

            “Ang bango ah. Baby Princess, did you cook something? I’m starving,” narinig niyang tanong ni Beiron.

            “In here, Kuya! Nagbake ako ng cake,” sagot niya habang inaayos ang icing ng pangalawang cake. Si Reichen naman ay halos napangalahati na ang unang cake na niluto niya.

            “Hi, Kuya Beiron,” bati nito habang puno ang bibig.

            “Mandaraya ka. Naunahan mo pa kami ah,” sabi ni Emrei na kasunod na pumasok ni Beiron.

            “Tagal nyo eh. Sayang naman ang effort ni Sei.”

            “Pahingi nga. Kanina pa ako nagugutom.”

            “Ako rin! Tirhan niyo ako!”

            “Reichen, naubos mo yung kalahati. Hindi ka na pwedeng kumuha.”

            “Sandali! Gusto ko pa!”

            She watched them with amusement dancing in her eyes. Madalang ang mga ganitong moments kaya naman natutuwa siya na makita silang nag-eenjoy sa pagkain.

            Maya maya pa ay tumayo na si Reichen. “Alright, I’m full!”

            “Dapat lang. Kanina ka pa kain ng kain. Muntik mo na kaming ubusan,” sagot ni Beiron nang hindi inaalis ang tingin sa pagkain.

Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally ScrewedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon