9

4K 70 1
                                    

The river was as beautiful as the meadow. Malinaw ang tubig, halatang hindi pa naiinvade ang natural habitat na ito. Magkatabi silang naupo sa ilalim ng puno at nagsimulang kumain. They shared a comfortable silence.

            Sei looked at Nylon. Noon niya narealize na wala pala talaga siyang alam sa binata. At may isang bagay na bumabagabag sa kanya.

            "Nylon, can I ask you something?"

            "What?"

          "Why are you so passive? I mean, oo at nakikipag-usap ka sa mga members. Nakikipagbiruan ka sa kanila, but still, there's something about you that seems so... lifeless."

            Nakita niyang natigilan si Nylon. Kinabahan si Sei. What if it's something I can't accept? What if he doesn't want to tell me? Dali dali niyang binawi ang tanong niya. "Okay lang kung ayaw mong sabihin. I was just curious. I'm sorry if I sound like I'm prying."

            Hindi ito kumibo. Nakatingin lang ito sa malayo na para bang nasa ibang panahon na ito. Ang puso ni Sei ay dumadagundong sa kaba. Ayaw niyang maoffend si Nylon, but she needs some answers. At least some idea about who he is.

            Nagulat na lang siya nang bigla nitong kunin ang kamay niya. Her hands felt so small when he was holding it. Pinagsaklop nito ang kanilang mga kamay. It was a perfect fit. It was as if their hands are made for each other.

            "Seiren Ann, I'm scared."

            Kumunot ang noo niya. "Scared of what?"

            "Scared that maybe you won't be able to accept me when I tell you the truth."

            Mas tumindi ang kaba niya. Hindi niya alam ang isasagot niya rito. Gusto niyang iassure si Nylon na matatanggap parin niya ito kahit na ano pa ang sabihin nito, pero natatakot siya na baka hindi niya kayanin ang sasabihin nito. She so wanted to accept him, but what happened to her left her vulnerable. Tila ba nahihirapan na siya pagdating sa usaping pampuso.

            Mahigpit na hinawakan ni Nylon ang kamay niya. "Years ago, I fell in love with a girl. I saw her at a party. Noong una, hindi ko alam kung anong naramdaman ko. Love at first sight? Impossible. Pero nakita ko siya ulit. At mas tumindi lang ang naramdaman ko para sa kanya.

          "Gusto ko siyang lapitan. Magpakilala. But I guess I didn't have the guts to do that. I don't know anything about her. Not even her name. Nagkasya na lang ako sa panonood sa kanya sa malayo. Ilang beses kong ginustong umamin kasi nahihirapan na ako, pero sa tuwing nandyan siya, para akong batang hindi alam ang sasabihin.

            "Noong nakaipon na akong lakas ng loob na lapitan siya, kilalanin siya, or kahit malaman man lang ang pangalan niya, saka ko nalaman na huli na pala ako. Masyado akong natorpe na hindi ko napansing may napupusuan na pala siyang iba. And you know what's painful? She fell in love with my stepbrother."

            Sei couldn't utter a word. Parang hinihiwa ng patalim ang puso niya. Masakit na marinig mula kay Nylon na may iba itong mahal katulad ng nararamdaman niya ngayon para sa binata.

            "I was so angry. Lagi na lang ang stepbrother ko ang nananalo. Lahat nalang, siya. I was filled with hatred. Hatred because he has everything I wanted. Approval at pagmamahal ni Papa, pati narin ang babaeng mahal ko. Kaya nagsumikap ako. I did my best to succeed in the business world. And I did. Soon enough, mas makapangyarihan na ako sa kanya.

            "Hindi ko alam na nagiging tuso na pala ako. I didn't know anything during that time. Ang nasa isip ko lang, makaganti ako sa lahat ng inagaw niya sa akin. Nothing is important for me, not even the girl. Gusto ko lang maramdaman ng stepbrother ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko all these years. I wanted to feel powerful over him, na ako naman ang nasa itaas.

Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally ScrewedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon