11

4K 60 0
                                    

SEIREN PACED back and forth in her room.  It’s just a little after 6:00am pero nakagayak na siya sa sinabing ‘date’ daw nila ni Nylon. To say na excited siya would be an understatement. Hindi siya mapakali sa oras na dumaraan. Nang nagdaang gabi ay hindi rin siya gaanong nakatulog. Nang makatulog naman siya ay si Nylon din ang laman ng panaginip niya. She kept thinking about Nylon, and everything that happened yesterday.

            Naninibago siya sa sarili niya. Hindi naman siya dating ganoon. She would always be calm and collected – mga bagay na hindi niya magawa kapag si Nylon ang involved. Noong sila pa ni Julio, it came to the point where she was woken up by Julio himself because she forgot about their appointment.

            With Nylon, she always feels giddy and excited. Hindi niya makalimutan ang mga bagay bagay tungkol rito. His stories, his passion about his business, everything. Kung paano kumunot ang noo nito kapag nagagalit o may hindi nagustuhan, kung paano ito palihim na ngumiti, kung paano nakikita ang tunay nitong nararamdaman sa pamamagitan ng mga mata nito, kung paano siya malusaw at malunod sa mga mata nito, kung paano siya nito titigan na parang siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo, kung paano nito bigkasin ang pangalan niya na para bang isang panalangin. Nylon seems to electrify her senses, and eventually make her go weak.

            Only Nylon could do those things to her.

            Kailangan niyang kontrolin ang sarili. She doesn’t want to appear stupid in front of him. Ngunit tila mahihirapan siya. Every feeling Nylon is making her experience is new to her. Hindi pa niya ito naranasan sa iba.

            Lumapit siya sa bintana. She needs to calm down. To get her senses straight. Sinimulan niyang kalmahin ang sarili. She closed her eyes and tried to think of other things besides Nylon, which proves to be a difficult task. Tila kasi nakaukit na sa isip niya si Nylon.

            Slowly, she opened her eyes. Bigla namang lumipad lahat ng inisip niya sa bintana sa nakita. Nawalan ng saysay ang lahat ng pagpapakalma niya sa sarili. It was all useless.

            Dahil nakita niya si Nylon na papunta sa bahay ng kuya niya.

            Bigla siyang nataranta. “Oh God. Oh sweet mother of Jesus,” bulong niya habang hindi niya malaman ang gagawin. Nagsimula sa siyang magpanic. Bababa ba siya kaagad o hihintayin muna niya ang doorbell? Maayos ba ang suot niya? Baka kung ano naman ang isipin nito dahil nakagayak na siya ng ganito kaaga? Dadalhin na ba niya ang gamit niya sa baba?

            She doesn’t know what to do!

            Huminga siya ng malalim. “Seiren, calm down. Hindi mo kailangang magpanic. Relax. It’s Nylon. He basically told you he loves you yesterday. Kalma ka lang,” pagchachant niya sa sarili.

            Kinuha niya ang kanyang bag sa tokador. Taking a deep breath, she went downstairs just as the doorbell rang. Dali dali niyang pinagbuksan ito.

            She caught her breath when she saw him. Oo at simple lang ang suot nitong dark blue button down shirt at faded jeans, na-enhance naman nito ang kagwapuhan niya.

            She can’t believe she’s so lucky.

            “Seiren Ann,” wika nito. The way he said her name was like a praise, a prayer. And she couldn’t help but feel special, feel loved. “Good morning.”

            She was so lost in his eyes. They were filled with such strong emotions, happiness being the strongest of them. Ilang sandali pa bago nagsink in sa kanya ang sinabi nito, dahilan upang mamula ang pisngi niya. “Oh. Uhm, yeah. Good morning.”

Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally ScrewedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon