8

4.2K 69 1
                                    

“Stop biting your lip. Let’s go. Bago ka pa dumugin ng tuluyan ng mga iyon,” bulong ni Nylon sa kanya. She shivered lightly when she felt his breath tickled her ears. Hindi niya napansin na kinuha na pala ni Nylon lahat ng binili nila saka hinawakan ang kamay niya at inakay palabas.

            She’s shocked with the sudden contact. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy patungo sa buong katawan niya nang hawakan nito ang kamay niya. Napatingin siya kay Nylon at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. His coal black eyes were staring down at her, as if memorizing every part of her face. Nakatitig lang din siya sa mga mata nito na para bang walang katapusan sa sobrang lalim. Tila siya hinihigop, hinihipnotismo, tinutunaw ng mga titig niya.

            Bigla itong nag-iwas ng tingin. Pinamulahan siya agad ng pisngi nang marealize niya na nakipagtitigan siya rito. Sei, get a grip of yourself!

            “Naglakad ka lang ba?” tanong nito sa kanya.

            Hindi siya makasagot dahil tila nanginginig pa ang tuhod niya. Only his eyes could make her knees turn to jelly. Tumango na lang siya saka yumuko. Doon niya napansin na nakahawak parin ang kamay ni Nylon sa kamay niya. It’s so warm and fits perfectly.

            “Seiren Ann Rafiq, I said stop biting your lip.”

            God! Anu ba itong nararamdaman niya? Kailan man ay hindi pa siya nakaramdam ng ganito.

            Marahan siyang hinila nito papunta sa mga kabayo. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Achilles. Inilagay ni Nylon ang lahat ng dala nila sa bag sa bandang gilid ni Achilles saka humarap sa kanya.

            “Sakay na. Be careful,” sabi nito sa kanya. Para naman siyang natunaw sa lambing ng boses ng binata na tila ba takot na takot na masaktan siya.

            Nang maayos na siyang makasakay ay sumampa na rin ito sa likod niya. Tulad nung nakaraang gabi, maingat siya nitong hinapit palapit rito. That small act made her heart beat furiously, na para bang hinahabol ng kabayo. Napuno ng paru-paro ang sikmura niya at tila ba nawalan siya ng dila dahil hindi siya makapagsalita.

            The proximity is sending her senses into chaos. Hindi niya alam kung alin ang unang mapapansin. Ang braso ba nito na hanggang ngayon ay nakapulupot sa baywang niya, o ang mukha nitong nakapatong sa balikat niya, o ang paraan nito ng paghawak sa kanya na tila ba takot na takot pakawalan siya.

            Pinilig ni Sei ang kanyang ulo. Parang sasabog ang puso niya sa dami ng nararamdaman niya. And to think na iisang tao lang ang nagpaparamdam sa kanya ng ganito!

            “Where do you wanna go?” bulong sa kanya ni Nylon. Naroon na naman ang lambing sa boses nito, na nanunuot sa kanyang mga buto.

            ‘Anywhere. Anywhere as long as I am with you.’ Iyon sana ang gusto niyang isagot. Kahit saan sila mapunta, basta magkasama sila. Kaya lang ay baka kung ano ang isipin ni Nylon kaya nagkasya na lamang siya sa pagbulong ng ‘Ikaw ang bahala’.

            Marahan nitong pinatakbo si Achilles. The wind started caressing her face. Sakto lang ang lamig sa pagkakataong iyon, idagdag pa na halos nakayakap o talagang nakayakap na si Nylon sa kanya. Hindi niya naramdaman na nagmamadali ito. She felt as though he wanted to savor this moment as much as she wanted to.

            Nang lumingon siya pabalik sa convenience store ay nakita niyang gulat na gulat ang ekspresyon ng mga members na naiwan nila. Tila hindi sila makapaniwala na nakasakay siya sa kabayo ni Nylon.

Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally ScrewedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon